Kabanata 14

438 18 5
                                    

On Scottie's fourth month, Josh told me he wants a mini photoshoot. Ang bilis ng panahon. Four months na pala ang bata. Physically, he's grown so much. He has gained fats in his arms, in his legs... everywhere! Scott is a chunky baby boy! Nakakagigil na pisilin! At para sa isang apat na buwang baby, ang laki-laki na niya.

"Napakaguwapo naman ng batang yan! Manang-mana talaga sa Papa!"

Tuwang-tuwa si Josh nang makita si Scott. Binihisan ko kase ng cute gray suit. Hapit na hapit sa katawan ng bata ang kanyang suot. Only his cute closed fists were shown. Tingkad na tingkad ang kanyang kaputian dahil sa kulay ng damit. Itim ang inner habang parehong kulay abo ang blazer, pants at maliit na ribbon.

Si Joshua ang nagpacustomized ng suot ni Scottie kaya proud na proud siya. Exaggerated ang reaksyon niyang laglag-panga at nanlalaking mga mata. But I know the sparkle and happiness in his eyes weren't fake.

"Wow! May set-design pa. Ikaw nagset-up nyan, Sky?" itinuro niya ang ikinabit kong banner.

'Happy 4 months old, Scott!'

Iyon lang naman ang nakalagay sa banner. Hindi ko na nilagyan pa ng ibang design dahil may pintura naman na ang dingding na nagsilbing backdrop. Iyong sa nursery room na may pintang sea creatures. 

"Oo. Simple lang, hehe. Uh, iyong foil balloon? Napalobo mo na?" tanong ko.

"Ah, oo! Wait. Kunin ko muna."

Umalis si Joshua sa nursery room para kunin ang binili at pinalobo niyang foil balloon na number 4. Akala ko ay iyon lang ang gagawin niya pero nagulat ako nang nakasuit narin siya pagbalik! He was wearing a black inner shirt beneath his charcoal gray suit! Tinernuhan niya ang anak!

"Ayos ba?" ngisi niya.

Hinigpitan ko ang hawak kay Scott habang sinisipat si Josh. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong titigan siya.

If I remember it correctly, this is the first time I'm seeing him like this. Pormal na pormal ang kanyang ayos. Naka-oxford shoes pa! Walang kagusot-gusot ang kanyang damit, halatang naplantsa ng mabuti. Siguro ang magulo lang sa kanya ngayon ay ang buhok na palagi naman talagang magulo. At gaya ng parati kong sinasabi, ang mala-pugad niyang hairstyle ay hindi kabawasan kundi dagdag sa kanyang appeal. Dumagdag din sa ganda ng tindig niya ang silver wristwatch na namamahinga sa kanyang kaliwang palapulsohan. Mukha siyang mamahalin! Well... mamahalin naman talaga...

Grabe.

I couldn't believe I'll use these terms.... but... like how I describe my male leads in my stories, Joshua is drop dead gorgeous!

"Sky? Ano?" untag niya.

Itinikom ko ang aking bibig na kanina pa pala nakanganga at natatangang tumango.

"Bagay sa'yo. Pero... para saan ang pag-aayos mo?"

Inginuso niya ang mapupulang labi.

"Naiinggit ako, eh. Ang guwapo ng baby kaya dapat guwapo rin ang tatay!"

Hindi ko na napigilan ang sariling ngumiti. Ang cute!

"Guwapo naman talaga ang tatay, ah?"

Josh's lips curved to form a mischievous smile.

Ay, teka. Nasabi ko ba iyon? Dapat sa isipan lang, eh! Naisatinig ko pala.

"Talaga? Nagaguwapuhan ka sa tatay, Sky?"

He advanced a step to move a bit closer. Amoy na amoy ko na tuloy lalo ang kanyang pabango. Nanunuot ito sa aking ilong at sa sobrang bango, kahit pa umalis siya rito ay may maiiwang bakas.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now