Kabanata 38

527 15 5
                                    

"W-What?"

Nalaglag ang panga ni Joshua sa sinabi ko. He looked at me like I said something so strange. He was staring at me like I'm some terrorist who lighted up a bomb inside him, causing a massive explosion.

Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. I did not utter a word and let him absorb what he just heard.

Nang makita kong namumula na ang mga mata niya, hinawakan ko siya sa kamay at hinila sa kung saan para mailayo siya mula sa mga mata ng iba. Napagtanto kong maraming empleyado na pala ang nanonood sa'min! Mayroon sa right and left side.

"Sky, teka-"

"Pinagtitinginan tayo, Josh.." paliwanag ko.

He seemed so oblivious about it. Hindi niya napansin at hindi ako sigurado kung may pakialam siya.

"Tara sa opisina, kung ganun."

Pinagsiklop niya ang mga daliri namin at nagpatiuna. Lahat ng nadadaanan namin ay napapalingon. Nahiya ako at saglit na nabahala na baka hindi pwede ang PDA sa law firm niya. Nonetheless, I couldn't deny the fact that I didn't feel like walking, more like floating.

Ang bilis-bilis niyang maglakad kaya sobrang bilis din naming nakarating sa opisina niya. Ni hindi ko na natitigan kung ano ang meron sa loob ng office dahil hinuli niya agad ang mata ko at tinanong.

"What did you just say?" he asked carefully.

Kumabog ang dibdib ko. Nag-iinit ang puso ko, maging ang gilid ng aking mga mata.

I love him so much. So much it hurts. Now... how will I make him understand that?

"Sky-"

I silenced him with a tender kiss. Tumingkayad ako at inabot ang mapula, manipis, at malambot niyang labi. Pinikit ko ang mata ko at hinayaang iparamdam kay Joshua ang pagmamahal ko. Every bit of me... is in love with him. Even my soul craves for his warmth.

He's been courting me for almost a year now. O taon na yata? Hindi ko na halos matandaan sa rami ng nangyari. Alam ko namang may chance, considering the feelings I have. Kaya lang, hindi ko talaga naisip na sagutin siya. Na seryosohin ang panliligaw niya. Maybe because I prioritized other things... and maybe... I thought he wasn't serious. Alam kong hindi siya maloko... hindi ko lang talaga ma-grasp ang idea na, sa kabila ng lahat ng nangyari, hanggang ngayon ay gusto niya pa'rin ako.

Sa rami ng pinagdaanan ko nitong nakaraang buwan, guilty akong medyo nababalewala ko na siya. Na hindi ko na napapantayan ang ginagawa niya para sa'kin. Na kung susukatin din lang, huling-huli na talaga ako. And he doesn't deserve that. Someone who's as caring, sweet, and loving as him doesn't deserve to be on the bottom of the priority list. Kaya... ngayon... I want him to feel where he stands in my life... how much space he's taking up.

Lalayo na sana ako nang higitin niya ang aking bewang. He snaked his arms around my waist as his lips respond to my kiss. And damn. He was such an exceptional kisser! His tongue forced an entry to my mouth and I felt so hot. Nakaawang na ang labi ko habang dinarama ang paghagod ng dila niya roon. Para akong tuyong dahon na unti-unting sinisilaban ng halik niya.

Ilang taon na'rin ang lumipas magmula noong huling halikan namin. Hindi ko na halos matandaan... pero lalo yata siyang gumaling! I couldn't even pretend what he's making me feel as soft moans were shamelessly coming out of my mouth.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now