Kabanata 24

422 14 9
                                    

"Jusko naman, Sky! Bakit ka naman nagpadalos-dalos, ha?! Edi iniwan mo si Sir Joshua nang walang sere-seremonya?"

Hindi maitsura ang mukha ni Lily nang makita ako sa labas ng condo nila ni Lawrence. Para siyang nakakita ng multo at mukha na siyang papanawan nang marinig mula sa bibig ko mismo ang kabuoan ng pangyayari.

I am physically and mentally tired... but I know I have to explain to Lily. Hindi naman pwedeng dumating ako rito sa condo nang umiiyak dahil trip ko lang.

"You once advised me to leave the house, Lil..." pagpapaalala ko sa kanya.

Nasapo niya ang kanyang noo at problemadang umiling.

"Oo nga! Pero noon naman 'yun. Pinatawad ka na ni Sir, di ba? Nang ganun-ganun nalang? Dun palang, Sky! Napatunayan niya na kung gaano siya ka deads na deads sa'yo. Biruin mo, wala pang isang linggo, napatawad ka na?"

Isinandal ko ang likod ko sa sofa at mariing pumikit. I've been crying for almost an hour and a half now. Bago umalis, habang umaalis, hanggang sa tuluyang nakaalis. Ngayon lang tumigil sa pag-agos ang luha ko. At alam kong hindi pa iyon nauubos. Isang kalabit lang, dadausdos ulit.

"Ang point ko lang naman dito, Sky, ay sana hinintay mo si Sir Joshua! Hindi ka sana nagpadala sa mata-pobre niyang nanay! Sige sabihin na nating ina siya at may pinaghuhugotan ang galit niya sa'yo... pero Sky, sa huli, kayong dalawa lang naman ni Sir ang nasa relasyon. Yes, kailangang iconsider ang external factors... pero Sky! Feelings niyo parin dapat ang manaig sa huli! Ikaw ang girlfriend niya at siya ang boyfriend mo. Kung meron mang pinakaimportanteng opinyon dito para sa'yo, dapat iyong sa kanya!"

"Lily... ako ang kasiraan niya. Let's face it. I am no good for him. Hindi ko kayang manatili gayong alam kong marami siyang isasakripisyo para lang sa presensya ko, Lil. Ayoko. Ayokong tumigil siya sa pag-aaral. At ayokong suwayin niya si Ma'am Graciella. Hindi man ako ang tunay na nanay ni Scott, anak ang turing ko sa kanya kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Ma'am. She's done what she thinks she could to preserve her son's future."

Hinilot ni Lily ang sentido at namula narin ang kanyang mata. I got her point. I know she got my point too.

"I don't know if this is the right thing to do... but this is the best thing I could do for now."

"Ang iwanan si Joshua at Scottie?"

Mabigat na mabigat ang loob ko habang tumatango.

"Ma'am Graciella promised me Scott will be fine if I leave. At kumakapit ako sa pangako niyang iyon. Si Josh naman... ngayong wala na kami, wala na siyang ibang iisipin pa. He could focus on his studies and finish school. That way... he won't lose his opportunity to become a lawyer."

"Paano ka nakakasiguro, Sky? Paano kung mabaliw si Josh nang wala ka, ha? Walang kasalanan iyong tao. Panigurado, mahihibang iyon sa katatanong kung bakit ka umalis. And who knows... baka pa baliktarin niya ang buong syudad, mahanap ka lang."

Malungkot kong nginitian si Lily. Thinking about Josh being hurt is hurting me twice.

"Maybe he'll get sad... but he'll be fine for sure, Lil. Siguro nagkagusto lang siya sa'kin dahil palagi niya akong nakikita sa bahay. Ngayong umalis na ako, baka marealize niya na ayos lang namang wala ako. Guwapo siya, mayaman, matalino, at mabait. Hindi siya mahihirapang maghanap ng ipapalit sa'kin. Iyong karapatdapat na talaga para sa kagaya niya."

"Sky naman! Ayan ka na naman sa pangmamaliit sa sarili mo, eh! Aanhin niya naman ang nagkalat na magaganda kung ikaw ang mahal niya? Ha?!"

"Masyado nang masakit... Lil... kaya ititigil ko na. Mahal namin ang isa't isa... pero hindi eh... hindi sapat ang pagmamahal. Dapat pumanig ang tadhana. Sa kaso namin, hindi kami pinaboran ng pagkakataon. At alam mo namang sa una palang, hindi kami ang para sa isa't isa. Ako lang naman itong naging bulag at nagpumilit."

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now