Kabanata 19

451 20 5
                                    

Warning: SPG

"Okay ka lang, babe?" 

Napansin yata ni Josh ang pag-iiba ng disposisyon ko pagbalik sa table kaya niya natanong. Para hindi siya mag-alala, binigyan ko siya ng ngiti. 

"Oo naman. Ayos lang, Josh."

Umupo ako sa tabi niya... pero hindi ako dumikit. Nag-iwas ako ng tingin nang makitang kumunot ang noo niya roon. 

Hindi yata siya kontento sa lapit namin kaya siya na mismo ang umusog para magkadikit ang aming balat. Ipinulupot niya pa ang braso sa aking bewang.

Nanuyo ang lalamunan ko at pinigilan ang sariling igala ang paningin sa paligid. Ramdam ko ang mga nagbabagang matang nakadirekta sa'min.

"May problema ba?" malambing niyang tanong.

Napakalapit ng mukha niya sa'kin. Ramdam ko ang hininga niyang malapit sa leeg ko.

Ang clingy ni Joshua! Hindi ba siya nacoconscious sa mga taong nakakakita sa'min? Mga kaibigan pa naman niya ang mga ito!

"W-Wala..."

Lumunok ako at pasimpleng umiwas sa kanya. Pinanatili ko ang tingin sa harap at kunwa'y nalilibang sa nakakahilong ilaw na may iba't ibang kulay. 

"Talaga? Sige nga... tumitig ka nga sa'kin kung wala."

Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang irapan.

Hindi ko rin mawari kung bakit ako iritado gayong wala namang sinabi o ginawang masama si Joshua.

Hindi pa nga ako nagsasalita, hinihingal na ako. At ayoko nalang talagang magsalita... dahil baka kung ano pang lumabas sa bibig ko.

"Babe..." sumamo niya.

"Bakit? Ayos nga lang..." 

Hindi sinasadyang nahagip ng mata ko si Annika. Pati narin ang mga kasama niya. They were looking at us like we're some sort of disgusting movie. At kung makatingin sila sa'kin... para akong kriminal na nagnakaw ng bagay na hindi sa'kin... at kailanman ay hindi babagay sa'kin.

Nag-iwas ako ng tingin at hinawakan ang braso ni Josh. Kinalas ko ito sa pagkakapulupot sa bewang ko at umusog para makalayo kahit konti.

Ramdam ko ang seryosong tingin ni Joshua. Madilim na iyon ngayon.

"Hindi ka makatingin sa'kin. Tipid na tipid ang mga sagot mo. Tapos ayaw mong hawakan kita. Ngayon mo sabihing wala tayong problema, Sky." malamig niyang sinabi.

Humalukipkip ako at hindi parin siya tinapunan ng tingin. I maintained a straight face to cover my nervous racing heart.

"Nakatingin sa'tin ang mga kaibigan mo, Josh."

"Ano naman?"

Bumuka ang labi ko pero kalaunan ay itinikom ko rin ito. Hindi ko inaasahang... magtutunog walang pakialam siya sa sasabihin ng iba. 

"Ayaw mong makita nila tayo?" 

Lumunok ako at umiling.

"Hindi naman-"

"Kinakahiya mo ako, Sky?" mariin niyang tanong.

Nadaplisan ng kirot ang puso ko at awang ang labing napalingon sa kanya. He mirrored my expression. Namumula at namamasa ang kanyang mata. He looked... hurt.

"H-Hindi! Hindi, ah! Iniisip ko lang... na baka mahusgahan ka nila ngayong kasama mo 'ko..."

Saan niya ba napulot iyon? Siya? Kinakahiya ko? Eh hindi ba... sa aming dalawa... siya dapat itong ikinakahiya ako?! Wala akong rason para ikahiya siya. Ni isa, wala! Siya. Siya itong maraming rason... para itago ako sa publiko. Masakit mang isipin... pero baka nga ako itong magmantsa sa pangalan niya. Kase gaya nga ng sabi ng kaibigan ni Annika... he deserves someone on his level. At hindi ako iyon. 

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now