Kabanata 12

432 19 2
                                    

"Pwede ba akong maggrocery bukas? Wala na kase masyadong laman ang ref..." pagpapaalam ko kay Joshua nang magkausap na naman kami.

"Josh! Tara na! Aba, lumalandi ka na naman ba?!" someone from his background shouted.

Kanina ko pa naririnig ang mga kaibigan ni Joshua na nag-uusap. 

"Tss. Huwag ka ngang magulo, Clau." Josh hissed.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hinayaan na muna sila. Narinig ko ang mga yapak ni Josh kaya sa tingin ko'y paalis siya sa puwesto niya.

"Asus! Miss kung sino ka man, huwag kang papauto-"

"Epal ka, Claui! Palibhasa'y bitter!" 

"Kayong dalawa ang epal, Bench, Claui. Mabuti pa, mauna nalang kayo. Susunod ako."

Nagtalo pa sila nang kaunti pero nanahimik din naman kinalaunan.

"Pasensya na, Sky. Mga abnormal ang mga kaibigan ko, eh."

Napangiti ako roon.

"Ayos lang."

"Ano nga 'yung sinasabi mo kanina?" 

"Uh, gusto ko sanang maggrocery bukas kung okay lang."

"Okay lang naman. Kaya lang, hindi ka ba mahihirapan? Dadalhin mo si Scott, di ba?"

"Magpapasama sana ako kay Lily..."

"Sige. Tatawagan ko si Manong Vic para masamahan niya kayo bukas."

"Okay. Salamat, Josh."

"You're welcome, Sky. I'll transfer the money to your bank account-"

"Huh? Para saan?"

"Para may panggrocery ka."

"Hindi na. May pera naman ako, Josh."

Nakakahiya. Nagpapaalam lang naman ako. Baka isipin niya nanghihingi ako ng pera!

"Josh?"

Hindi siya sumagot. Natahimik siya nang ilang minuto. At bago pa ako mapraning, nagsalita siya ulit.

"Ako na, Sky. Natransfer ko na ang pera." 

Nalaglag ang panga ko. Ano ba ang ginawa niya?! Ganoon na ba kabilis magtransfer ng pera ngayon?

"I did the transaction through my phone. Kaya mabilis." aniya, tila alam ang iniisip ko.

Kinalma ko ang sarili. Humugot ako nang malalim na hininga at hindi na nagmatigas pa. 

"Ikaltas mo nalang yun sa susunod kong sahod-"

"Kailangan ko nang umalis, Sky. Kinukulit na ako nina Bench. Bye. Ingat ka bukas. Update mo 'ko!"

Napailing nalang ako nang maputol ang linya. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita.

De bale na nga. Para sa bahay niya rin naman ang mga bibilhin ko.

Tinawagan ko si Lily matapos naming magkausap ni Josh at pumayag naman agad siya. Mabuti nga at flexible naman ang call time niya sa bagong trabaho, hindi gaya dati.

"Taray! May bank account na si gaga!"

Bahagya akong nahiya nang ipagsigawan iyon ni Lily. Pumalakpak pa siya. Pinagtinginan tuloy kami ng mga taong nagwi-withdraw din.

"Si Sir ang nag-open nito para sa'kin."

Hindi ako nagdalawang-isip nang sabihin ni Josh sa'kin ang tungkol dito. This is a great opportunity to keep my money safe.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now