Kabanata 17

398 17 0
                                    

It's true. Happiness isn't the life. It's just a part of it. We don't live in it. We move pass by it... and go on with different emotions like fear and sadness. Today, the lightness in my heart was replaced with worry as Scott Kelvin woke up with burning hot forehead and higher than normal temperature.

Kaya naman pala iyak nang iyak kagabi ang bata at gusto laging magpakarga... may lagnat pala.

Medyo late ko na napagtantong may sakit si Scott... first time kasi itong nangyari kaya hindi ko agad nasabi kay Joshua. Ayoko rin namang sabihin sa kanya ngayon agad-agad dahil may recitation sila. Baka mag-alala iyon nang husto at umuwi rito nang hindi pa nakaka-recite. Mamayang alas diez nalang siguro, kapag tapos na siya. 

Tinawagan ko ang pedia ni Scott para makapagrequest ng online check-up. Mabuti at hindi naman daw hectic ang schedule ni Doctora kaya napagbigyan niya kaagad ako. Kaya lang, hindi natuloy ang check-up sa napagkasunduang oras dahil biglang may dumating na mga bisita sa bahay.

"Dito ba nakatira si Joshua Ravena?" tanong ng isang babae.

Tatlo sila. Dalawang babae at isang lalaki. They were all wearing blue polo shirt... and all of them... looked formal.

"Good morning, po. Opo, dito nga po. Sino po sila?"

Ngumiti iyong lalaki. 

"Taga-DSWD kami, Miss. Ako si Joel. Siya si Ria. Siya si Lena. Nandito kami para magsurprise-visit. Nandyan ba si Mister Joshua Ravena?"

DSWD.

Nagising nang tuluyan ang diwa ko at awtomatikong naging conscious. Sila ang mag-aassess kung karapat-dapat ba si Josh na maging ama ni Scottie!

"Uh, wala po. Nasa paaralan po. May pasok po kase siya ngayon."

Kahit na nag-angat ng kilay si Ms. Ria, nakitango rin siya sa mga kasama.

"Ah. Eh, ikaw Miss? Ka-ano-ano ka ni Mister Joshua?"

Lumunok ako at nangapa ng sagot.

Do I tell them I am the girlfriend? And at the same time... yaya ni Scott? Pwede ko bang sabihin 'yun?

"Yaya po ako ng bata."

"I see..." tumango-tango si Mr. Joel.

"Uh, pasok na po kayo."

Pinapasok ko sila sa bahay at pinaupo sa living room. 

Habang abala sila sa pagsusuri sa lahat ng nakikita, nag-isip ako ng pupwedeng gawin. 

Magtatagal kaya sila? Maaabutan ng lunch? Ipagluluto ko ba sila? Anong ipapakain ko? Anong lulutuin ko? O mag-order nalang kaya ako? 

I got a bit frustrated. Paano ba naman kase... kung nag-abiso lang sana sila, edi nakapaghanda ako. Pati narin si Josh. Pero sabagay... surprise-visit nga raw.

Naglabas ng notebook at bolpen si Ms. Ria mula sa bitbit na backpack at sumenyas kay Ms. Lena. Si Mr. Joel naman ay nanatiling nakamasid sa bahay.

"Ayos lang ba kung interviewhin ka namin? May audio recorder kaming dala at manwal kong isusulat ang mga sagot mo. For record purposes. Okay lang ba sa'yo?" Ms. Ria asked my consent.

"Opo. Ayos lang." tumango ako.

"Hiling naming maging tapat ka. Makakaasa ba kami sa'yo, Miss?"

"Opo."

"Good. Let's start. Isang law student si Joshua, hindi ba?" 

"Opo."

"Anong oras siya umaalis at umuuwi ng bahay kung ganon?" matamang tanong ni Ms. Lena.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now