Kabanata 5

507 28 3
                                    

"Marunong ka bang mag-alaga ng bata?"

Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot agad. 

Babysitter ang sabi niya, di ba?

He's hiring me to be a babysitter? May anak siya? May... asawa na pala siya?

May kung anong lumubog sa'kin nang maisip iyon pero binalewala ko nalang. Kung ano mang meron sa personal na buhay ni Joshua, wala na dapat akong pakialam dun.

"Sky?" untag niya.

Napakurap-kurap ako at awkward na ngumiti. 

"Ano nga ulit yung tanong?"

He bit his lower lip while staring at me.

"Ang tanong ko, kaya mo bang mag-alaga ng bata?"

"Hindi ko pa naranasang mag-alaga ng bata..." pag-amin ko.

Nakita ko kung papaano nagbago ang emosyon sa mga mata niya sa sagot ko. He looked disappointed with my answer. Tila ba hindi pa nga ako nakakatanggi ay nanghihinayang na siya agad.

"P-Pero susubukan ko."

His eyes widened a fraction, then his lips curved for a smile. He looked relieved. Napabuntonghininga pa siya.

Nag-iwas ako ng tingin. 

"Ayos lang ba sayo na ako ang mag-aalaga sa anak mo? Hindi ako propesyunal. Wala akong karanasan. Sa tingin ko naman, kayang-kaya mong maghire ng midwife para sa bata. Iyong kaya kang bigyan ng kasiguraduhan." sabi ko.

"Kaya ko nga. Pero gusto ko....ikaw." pabulong niyang giit.

I gulped real hard.

Nag-angat ako ng tingin kaya nagkatitigan ulit kami. May kaunting ngiti sa kanyang labi pero wala talaga akong mahanap na bakas ng pagbibiro. He looked really serious.

"Sige."

Kailangan ko ng trabaho kaya kahit wala naman akong kaalam-alam sa pag-aalaga ng bata ay susubukan ko. Magsasaliksik nalang siguro ako.

"Kailan ako magsisimula?"

"Kung kailan ka pwede. Kung pwede nga, ngayon na eh."

"Bukas nalang, Sir."

"Huh? Anong sabi mo? Sir? Bakit naging Sir bigla, Sky?" 

Bakit naman ganyan ang tono niya? He sounded frustrated with what I've called him.

"You just hired me. That makes you my boss. Kaya dapat lang na Sir ang tawag ko sa'yo, di ba?" nagtataka kong tanong.

Umangat nang bahagya ang kilay niya.

"Yeah, I'm your boss. And I want you to call me by my first name." the corner of his lips rose.

Nagkibit-balikat ako at sumang-ayon nalang. 

"Okay, Joshua."

Parang ang bastos naman pakinggan. Pero ayos lang, utos niya naman, eh.

"Pauwi ka na ba?" 

"Oo."

"Hatid na kita."

Umawang ang labi ko. Agaran akong tumanggi.

"Huwag na! May gagawin ka pa ata, eh. Sabi mo papunta ka sa supermarket, di ba?" 

He looked undisturbed, tho. 

"Okay lang. Ihahatid kita. Madilim na oh. Baka kung anong mangyari sa'yo. Medyo lutang ka pa naman." pagpapaalala niya sa nangyari kanina.

"Naku, hindi! Ayos na ako. Ayos lang talaga. Sige na-"

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now