Kabanata 31

479 22 7
                                    

"Gusto mo na ba bumalik? Hindi ka ba giniginaw?" concerned na tanong ni Joshua.

Pareho na kaming nakaharap sa dagat ngayon na naiilawan ng buwan. Nakakrus ang mga braso habang ipinoproseso ang mga pangyayari.

"Ikaw? Ayos lang naman ako. Pero kung gusto mo na, pwede rin namang bumalik na tayo." sagot ko.

Hindi siya sumagot. Kalmado na kaming pareho pero ramdam ko parin ang tensyon. Ako, kahit na hindi na tumutulo ang luha, para paring sasabog ang puso ko sa halo-halong emosyon.

"We can stay here and talk more, Sky. Mas gusto ko iyon..." binulong niya ang pangalawang pangungusap.

Lumunok ako at humakbang nang dalawang beses para makalayo ng kaunti sa gumagapang na alon. Tahimik akong naupo sa buhangin. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Joshua. Naupo siya sa tabi ko nang may iniiwang espasyo sa gitna namin.

"Bakit nga pala... messenger bag ang napili mong iregalo? I mean... I like it... kahit na... nakakahiya kase luxury piece siya." I said, opening a casual conversation.

"Wala. Naisip ko lang." tumikhim siya. "Para may malagyan ka ng laptop... although I'm pretty sure you already have one. Para lang may spare bag ka."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napakurap-kurap nang maalala ang note na nabasa kanina.

"At... alam mo rin palang..."

"Na writer ka? Of course. Kahit noong hindi ka pa umaalis, alam ko na. Nakikita kaya kitang nagsusulat sa cellphone."

And... he wrote... I was his favorite author? So... nagbabasa siya ng mga stories ko?? Is he serious?

"At oo rin, binabasa ko ang stories mo. You love writing romance, huh?" he teased.

Nag-init ang pisngi ko. Mukhang nagbabasa nga siya! It's true that I am fond of writing romance! Romance ang genre ng lahat ng libro ko. Naku. Nakakahiya!

"Nagbabasa k-ka pala ng novels?"

I'm sure he's busy. And I've never seen him read any love-related books before.

"Hmm. Novels mo lang ang binabasa ko, Sky."

Lalong nag-apoy ang pisngi ko sa sagot niya. My heart raced ever faster. Mabuti nalang at masarap sa ilong ang hangin kaya nakakahinga ako nang maayos kahit papaano.

"Congrats nga pala. You have five-hundred thousand followers now."

Napangiti ako roon. Kaka-half million followers ko lang last week. Ibig sabihin... chinecheck niya talaga ang profile ko.  Wow. I feel so honored..  and at the same time... shy. Kase... may mga eksena akong naisulat na hawig sa past namin. I just hope hindi niya napansin.

"Thank you, Josh. Ikaw rin... congratulations kase abogado ka na."

Nilingon ko siya nang hindi niya ako sagutin. I couldn't see his face clearly but I know he's staring at me.

"Must have been a tough journey for you, no?"

Bumuntonghininga siya at nag-iwas ng tingin.

"Sobra, Sky. Wala ka, eh."

Nanlaki ang mata ko at nanigas sa kinauupuan. Tama ba ang rinig ko?

"Ikaw? Did you have a hard time studying abroad?"

Kumurap-kurap ako at binalewala nalang ang sinabi niya kanina.

"Uh, hindi naman masyado..."

Lies. I was mentally struggling while I was in Kansas. I longed for my child. I missed Lily. I missed Scott. And I missed you... while I was there. Kaya... ang hirap din. Sobra.

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now