Ikapitong Inis

5K 214 13
                                    

S: Anong masama sa pagiging Lola's Boy?
A: Hi, Stranger! Good evening! Wala naman akong sinabing masama, ah. Ikaw talaga.
S: OL ka pa rin? Habang buhay ka bang OL? Sabi na nga ba may forever.
A: Eh, wala naman kasi akong kausap dito sa bahay. Only child lang kaya ako. Saka wala namang makakintindi sa mga gusto ko kundi 'yung mga Internet friends ko lang.
S: Gusto mo? Ano-ano bang gusto mo?
A: Madami! Pagkain, KPOP, Rock, pop, novels, wattpad, books, movies, Science, etc.
A: Huy.
A: Ba't 'di ka na nag-reply?
A: Stranger, still there?
S: Sorry. May naaalala lang ako.
A: Ano?
S: Babae.
A: Girlfriend mo?
S: Hindi. First love ko. Kapareho mo siya ng mga hilig.
A: Wow! Gusto ko siyang makilala! Tas jamming kami.
S: Psh. 'Wag na natin siyang pag-usapan. Ituloy mo na kwento mo.
A: Ayun nga, noong una okay lang naman kami sa thesis namin. Maayos naman lahat. Nagkakasundo naman kami. May misunderstanding man, maliit na bagay lang.
S: Tapos?
A: Tapos nang nagtagal, biglang nagbago.
S: Paanong nagbago?
A: 'Wag na rin lang natin pag-usapan hahahaha! Mag-skip na tayo!
S: Anak ng tokwa ka rin, eh no? Ang tagal mo kong pinaghintay na makwento 'yung pinaka-point ng storya mo tapos sasabihin mo 'wag na lang pag-usapan?! BAHALA KA NGA!!! BABAY!

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon