Ika-anim Na Inis

5.2K 222 4
                                    

S: HOY ANO KA NA!! ILANG ORAS NA LUMIPAS DI KA PA RIN TAPOS TUMAE?!
A: Hahaha. Sorry na, Stranger. Naputulan kasi kami ng net kahapon, hindi kami makapagbayad kasi nga Maundy Thursday, hindi namin naabutang bukas ang SM. Free data na lang gamit ko ngayon.
S: Dami mong sinabi.
A: Wow Stranger OL ka? Eh, 'di ba maka-Diyos ka? Bakit hindi ka nagpepenitensya ngayong Good Friday?
S: Nakapag-Visita Iglesia na kami kahapon kasama ang parents at girlfriend ko.
A: Aaah. Ayun pala ginawa mo kahapon kaya ang tagal mong nawala.
S: Oo. Kwento ka na.
A: Hihi. Ang bait mo ata, Stranger. Hindi ka nagmumura. Panata mo ngayong Holy Week?
S: Manahimik ka. Magkwento ka na, bilis.
A: Bakit ba nagmamadali ka?
S: May gagawin pa kasi ako. Ano? Kwento na.
A: San ba ko natapos?
S: Thesis Partner.
A: Ah, oo! Si Thesis Partner! Ayun nga. Alam mo ba si thesis partner, gwapo 'yun.
A: Saka mabait.
S: Babae ka ba?
A: Oo.
S: Mahal mo siya? Pero may iba siyang mahal. Ayan lang pala puno't dulo ng problema mo pero kung umasta ka para kang namatayan.
A: Anak ka naman ng tinola, Stranger eh! Patapusin mo naman muna ko. Excited ka, eh.
S: Geh.
A: Ayun nga. Gwapo siya saka mabait. Pero hindi siya 'yung tipo ng gwapo na ang yabang, na akala mo kaya niyang bilhin ang lahat ng tao. Mabait siya, stranger. Matalino, nag-aaral ng mabuti, saka mapagmahal sa magulang. Almost perfect na, pero ayun nga lang, sobrang tahimik. Siya nga pala si Dashiel. Maski pangalan ang gwapo.
A: Nang nalaman ni Mama na siya 'yung thesis partner ko, naawa siya kay Dashiel.
S: Hahaha! Bakit?
A: Kawawa raw si Dashiel sa'kin.
S: HAHAHAHA! Bakit?
A: Kasi raw magkaiba kami ni Dashiel. Kung anong ikinabait niya, siyang ikinamaldita ko. Kawawa raw si Dashiel kaya 'wag kong awayin.
S: Hahaha! Cool mom!
A: Grabe ka naman, Stranger. Kung alam mo lang kung anong pagtitiis ginawa ko.
A: Feeling ko kasi kapag nagalit ako kay Dashiel, ako pa rin may kasalanan kahit ako na 'yung agrabyado. Kaya nanahimik na lang ako.
S: Mahirap nga 'yan.
A: Sobra.
S: Teka lang, dumating na sina Lola. Mamaya ulit.
A: Sige. Lola's boy <3 Hihi!

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon