Ikadalawampu't-isang Inis

4.4K 223 22
                                    

A: Bakit feeling ko sobra kang nasaktan dahil sa ex mo? Slash first girlfriend mo. Para ngang mas nasaktan ka pa sa kanya kesa dun sa recent ex gf mo. Bakit ganun?
S: 'Yung ex ko kasi...she is my hreat love.
A: Maganda ka palang masaktan no? Napapa-english ka hahahaha
S: Tangina naman o
A: Bwahahahahaha! Kyot mo rin stranger! Labyu na talaga stranger! Ang cute mo magmura! Dati ayaw ko sa pagmumura mo eh!
S: Wag ka ngang basta-basta nagsasabi ng labyu o i love you. Kahit pabiro lang yan
S: O? Nawala ka na?
A: naaalala ko rin ex ko stranger. ganyan na ganyan sinabi sa'kin. Controlling kasi 'yun, eh. Kaya hiniwalayan ko.
A: Anyway, bakit sa'kin napunta? Bakit nga ba great love mo ex mo?
S: hindi ko alam kung alam mo tungkol dito. Pero may mga taong may great love. Ayun yung habang buhay mo ng mahal. Yung kahit sinong dumating, kahit sino pang mahalin mo ulit, yung taong yun, may espesyal ng lugar sa puso mo. Hindi na siya mawawala. Kahit magkaanak ka na, magka-apo, mahal mo pa rin siya. Ganon.
A: Wow stranger gumaganon? May paganon-ganon ka pa pala.
S: Bilib ka na naman?
A: Slight lang, stranger. Eh paano yun? Parang ang unfair naman nun sa case nung bagong taong mamahalin mo ulit? Kagaya ng recent mo. Mahal mo siya pero may mahal kang iba?
S: Mahal ko rin naman yun. Mahal na mahal nga eh. Pero iba pa rin yung nauna. Iba yung atake niya. Higit pa sa atake sa coc o sa dota. Yung sa kanya kasi, superior na yun. Higit sa pagmamahal yun.
A: Higit sa pagmamahal?
A: Uhhh... libog?
A: HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA
S: Tangina haha ewan ko sayo! Kailan pa naging higit ang libog sa pagmamahal?
A: Madalas. May mga ibang lalaki kayang ipinagpapalit ang isang disenteng babae sa isang babaeng pwedeng i-take home.
S: ah oo na! Pero hindi naman yun! Taas taas ng respeto ko dun sa nauna. ni hindi ko nga nagawang halikan yun. basta! di mo maiintindihan! di ka pa naman ata nagmahal ng ganito katindi
S: Pota kung ano-ano na sinasabi ko! wag na nga natin pag-usapan yan!
A: Ikaw kaya nag-open ng topic na yan stranger hahaha. Next question ma nga.
S. Meron pa?
A: Gusto mong malaman pangalan ko diba? Sagutin mo lahat ng tanong ko!
S: Tsk! Di na lang kasi sabihin
A: Eh bakit ba gusto mo malaman?!
S: Eh sa gusto ko eh!
A: Bakit nga?!
S: PAKIRAMDAM KO KASI KILALA KITA!

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon