Ikalabing-anim na Inis

4.3K 200 15
                                    

A: Strangeeeeeer! nakabili na ko ng bagong keyboard hindi mo pa rin napapaliwanag 'yung sinabi mo kagabi.

A: Ano ba kasing ibig mong sabihin doon? 

A: Na pwedeng ano...'yun. Sabi mo "pwede".

A: Ano ba ibig sabihin no'n??

A: Stranger, kausapin mo ko!

A: Stranger! Talk to me, tell me your name. Sexbomb! Sexbomb!

A: Ay. Bakit napakanta na ko? Stranger naman kasi, eh.

S: Kalimutan mo na yon.

A: STRANGEEEEEEER! YOU'RE ALIVE!!!

S: Baliw. 

A: Ano nga muna kasi ibig sabihin non?

S: Wala, okay? Wala. Wag mo nang intindihin yun. Sasakit lang ulo mo.

A: Ano nga kasi ibig sabihin nun????

S: Change topic. Ano nga palang nangyari bakit nagkasakit ka nung nagthethesis kayo? Yung sabi mong hindi ka nakatulong kasi minalas ka.

A: Ah yon? Nagba-bike kasi ako, tas nagdagasa. Kaya ayun, nabalian 'yung kaliwa kong kamay. Buti nga kaliwa, eh. Hindi 'yung kanan. Kaya ayun, habang nagta-type ng thesis, kanan lang ginagamit ko. Eh, kaso sabi ng doctor total bed rest daw sana. Kaya bihira talaga kong makatulong sa partnr ko at bihira din akong makapunta ng school. 

A: Pinaliwanag ko naman sa kanya kondisyon ko. Kaya lang minasama niya pa rin. Minasama rin ng mga Prof ko, at ng mga ibang kaklase namin. Hindi man lang niya pinaliwanag ang totoo.

A: Pero noong siya ang nagka-dengue, inintindi ko siya. Ipinaalam ko sa lahat ang kalagayan niya kapag tinatanong ako kung bakit MIA siya.

S: MIA? Manila Internation Airport?

A: MISSING IN ACTION, ANO BA?!

S: O? Sira na naman ba caps lock mo?

A: Ikaw kasi, eh!

S: Ako na naman? Kawawa ka naman pala no? Kuya ko nagkadengue nito lang halos hindi makakilos kasi kailangang nakahiga. Edi ikaw lang gumawa ng thesis niyo ng panahong yun.

A: Oo ganun na nga. 

A: Ay teka! Bakit napakwento ako? May tinatanong ako sa'yo, ah?! 

S: ha? may tinatanong ka ba?

A: Yung sa sinabi mo ngang pwede! Yung kagabi!

S: Pwede tayong magkatotohanan. O, ayan nasagot ko na. Okay na? Masaya ka na?

S: Ha?

S: hoy!

S: san ka na?

S: bat nawala ka?

S: Takte naman kaya ayokong sagutin tanong mo dahil magkakaganito tayo!

S: Bahala ka na nga!


Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon