Ikawalong Inis

4.8K 224 11
                                    

A: Huy, Stranger. Sorry na. Kagabi pa kitang china-chat 'di ka pa rin nagre-reply.
A: Patawarin mo na ko.
A: Kakatapos lang ng Holy Week nakalimutan mo na agad ang act of forgiving.
A: Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ko?
A: Do I have to make pa the 4 steps of saying sorry?
A: Sige na nga.
A: First, reflect. Mag-reflect sa nagawa mo, kung may kasalanan ka ba talaga o wala. And nag-reflect na ko kagabi, and yes, may kasalanan nga ako.
A: Second, say sorry. Kaya eto na, Stranger, magso-sorry na ko. Sorry talaga sa nagawa ko, Stranger. Sobrang sorry.
A: Third, admit your own mistake with explanation. Inaamin ko, pinaasa talaga kita. Natatakot lang kasi ako, Stranger. Natatakot akong mag-open up. Natatakot akong baka pati ikaw, isipin mo ring ako ang mali.
A: Kasi alam mo 'yun? People know me for being a bitch, kaya iniisip nila ako lagi ang mali. At dahil mabait si thesis partner, siya palagi ang papaniwalaang.
A: The irony. Ayokong mag-open up pero nagkwento pa rin ako ng saloobin ko LOL.
A: Anyway, for the last step, promise you'll never do it again.
A: Mahirap magbitaw ng pangako, Stranger. Pero para sa'yo gagawin ko. Promise, Stranger, hindi na ulit kita paaasahin, hindi na kita paghihintayin. Kaya please, sorry na.
S: "Hindi na ulit kita paaasahin, hindi na kita paghihinatayin". Parang ayokong maniwala. Noong huling beses na narinig ko ang mga salitang 'yan ay galing sa ex ko, na first love rin, na iniwan lang ako.
A: WAAAAAAAAH! STRANGEEEEEEER! NAG-RESURRECT KA!!!! #TheReturnOfStranger #TheUltimateComeback
A: Hoy, Stranger nawala ka na naman!
A: Hindi mo pa rin ba ko napapatawad? Pinaalala ko ba sa'yo first love mo?
A: Sige na nga, hindi na kita pipilitin...

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon