Ikalabingwalong Inis

3.9K 216 29
                                    

A: WALANGYA, STRANGER!!! ALL THIS TIME? NASA IISANG VILLAGE LANG TAYO?

S: Sira ulit caps lock?

A: Stranger naman, eh. Nagulat lang ako. Pero astig! Magkalapit lang tayo. Siguro may mga ors na nagkita na tayo pero hindi natin alam.

S: Siguro.

A: O baka nakakasalubong mo na rin minsan thesis partner ko. Tagarito rin siya sa BF Village, eh.

S: Baka.

A: Ay? Isang salitaan lang? Anyare? Ano problema? Nanonood ka na naman ba ng porn?

S: Gaano na kayo katagal dito?

A: Hmmm... 4 years na ata. Basta, nung nag-break kami ng ex ko nong HS graduation, lumipat kami dito.

S: Soulmate ba tayo?

A: Anong kabaklaan na naman 'yan, Stranger?

S: Parehas tayo. Nang nag-break kami ng ex ko after hs graduation lumipat din kami dito.

S: Bale 4 years na rin.

S: Pero hindi ako madalas dito, every weekend lang. Nag-dorm kasi ako dahil hindi ko kinaya ang araw-araw na byahe. Sa Manila pa kasi school ko. Pero ngayong summer, andito ako. Kaya baka hindi rin tayo nagkakasalubong kasi nga lagi akong wala.

A: Stranger...

S: O?

A: Magkita kaya tayo?

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon