Ikalabingtatlong inis

4.3K 233 23
                                    

S: Gusto kitang yakapin.

S: Gusto ko haplusin ang likod mo.

S: Gusto kong iunan ang ulo mo sa balikat ko.

S: Gusto kong pahiran ang luha sa pisngi mo dahil sigurado akong umiiyak ka ngayon.

S: Gusto kong ibulong sa tainga mo na magiging okay ang lahat, na mas kilala mo ang sarili mo, na mas alam mo ang nangyari.

S: Gusto kitang puntahan ngayon kung nasaan ka man para pagaanin ang loob mo.

S: Madami akong gustong gawin, pero alam kong hindi pwede dahil sa sitwasyon natin.

S: Dahil hindi kita kilala.

S: Hindi mo ako kilala.

S: Ang alam lang natin sa isa't-isa ay ang mga pinagdaanan natin, mga hinaing natin.

S: Gusto kong ipagsigawan sa mundo na andito lang ako sa tabi mo, na hindi kita iiwan.

S: Hindi ko man masabi sa'yo ng personal, gusto kong ipadama sa'yo.

S: Andito lang ako, sa panahong kailangang-kailangan mo ko.

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon