Ikalabingsiyam na Inis

3.8K 197 13
                                    

A: Huy. Two days ka nang walang paramdam, ah. Kung ayaw mo ng idea nang pakikipagkita sabihin mo na lang. Hindi 'yung ganitong iniiwasan mo ko, 'yung ganitong pakiramdam ko pinagtatabuyan mo na ko, na gusto mo na kong alisin sa buhay mo.

A: Chos lang hahahaha.

A: Pwede na ba kong artista?

S: Ayoko.

A: Ay? Ayaw mo ng drama ko? Welcome back nga pala, Stranger!!!!!!!!!

S: Hindi yun. Ayokong makipagkita.

A: sige stranger, okay lang. Suggestion lang naman 'yun.

S: Gusto kong makipagkita.

A: Ano ba talaga, Stranger? Hahaha.

S: Gusto muna kitang makilala pa bago tayo magkita.

A: Hahahahahahahaha

S: Anong nakakatawa?

A: Nakakatawa lang. Ako 'yung babae, ako dapat ang pakipot pero ako ang gumawa ng first move hahahahahahaahaha. Sige lang Stranger. Mag-getting to know each other muna tayo.

S: Isa lang naman gusto kong malaman. eh.

A: Ano 'yun?

S: Ano bang pangalan mo?

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon