Ikadalawapu't Walong Inis

4.1K 206 11
                                    

S: Tsk. Ganyan kayo. Iiwan-iwan niyo mahal niyo pa pala. Labo niyo.
A: Hindi lang naman kasi pagmamahal ang bubuo sa relasyon.
S: Bakit mo ba iniwan?
A: Masyado siyang possessive.
S: In what way?
A: Napakaseloso. Lahat ng lalaking nakakasama ko pinagseselosan niya.
S: Sobra ka lang mahal.
A: Not enough reason, Stranger. Wala man lang siyang tiwala sa'kin.
S: Meron yun.
A: Meron?! Eh bakit ganun siya?
S: May tiwala siya sa'yo. Pero wala siyang tiwala sa sarili niya.
A: What do you mean?
S: Dahil siguro masyado kang mataas. Ikaw ang tipo ng babae na pinapangarap. Pero siya, ang tingin niya sa sarili niya wala lang. Iniisip niya na kayang-kaya mo siyang pakawalan at ipagpalit sa lalaking mas higit sa kanya.
A: Hindi ganun, Stranger. Mataas ang tingin ko sa kanya. Hindi siya wala lang sa'kin.
S: Baka hindi niya nararamdaman. O baka iyon ang pinapadama sa kanya ng iba ng tao. Na hindi kayo bagay. Langit ka, lupa lang siya. Dyamante ka, bato labg siya. Nasasaktan din siya.
A: Pero nasasaktan din ako.
S: If love is not an enough reason to stay, then maybe pain is also not an enough reason to go.

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon