Huling Inis

5.4K 215 94
                                    

S: Alam mo, kung may una kong gagawin sa mundong 'to, ayun ay ang mahalin ka. At kung may huli man akong gagawin sa mundong 'to, ayun ay ang murahin ka. Pero sa ngayon, baliktad na. Kung may huli akong gagawin ngayon, ihuhuli ko ang mamahalin ka. At uunahin ko ang murahin ka.

S: Tangina mo naman, Sugar.

S: Tangina tangina!

S: Bakit ka pa bumalik kung mawawala ka rin lang naman ulit?

S: Bakit mo pa ko pinaasa kung iiwanan mo rin lang ako ulit?

S: Bakit kailangan mo kong itaas kasama ang mga pag-asa ko kung pagkatapos ng lahat ng 'to mang-iiwan ka rin lang pala sa ere.

S: Tangina mo, Sugar. Sana hindi mo na lang ako inilagay sa pedestal kung gagaguhin mo rin lang naman ako.

S: Sugar tangina sobra na kong nasaktan ng dahil sa'yo noon bakit kailangan mo pang dagdagan?

S: Sugar naman.

S: Ang tagal kitang ginustong makita ulit.

S: Pero bakit ganun?

S: Bakit naman ganun, Sugar?

S: bakit...

S: mahal na  mahalkita eh sbra.

S: alam mo naman sguro un

S: alam mo naman sigurong mahal na mahal kita.

S: alam ko rin namang mahal mo pa rin ako ramdam ko namn yun

S: PERO PUTANGINA! BAKIT KANINA NANG NAKITA KITA...BAKIT MAY IBA KANG KASAMANG LALAKI? AT PUTANGINA BAKIT YUNG KAPATID KO PA?

S: TANGINA AKALA KO MAGKAAWAY KAYO?

S: AKALA KO ISINUSUMPA KA NIYA AT NG PAMILYA NIYA

S: PERO PUTA ANDUN KA KANINA! PINAKILALA NA GIRLFRIEND NIYA

S: TANGINA SUGAR TANGINA! SUGAR HINDI NAMAN AKO BABOY PARA I-DOUBLE KILL MO! 

S: TANGINA SUGAR TAO AKO.

S: ANG SAKIT SAKIT SUGAR.

S: SANA HINDI KA NA LANG NAG-CHAT SAKIN NOON.

S: SANA NOON PA LANG BLINOCK NA KITA.

S: DITO SA FB, SA UTAK KO, SA PUSO KO, SA BUHAY KO.

S: SANA HINDI NA LANG KITA KILALA.

S: SANA HABANG BUHAY NA LANG TAYONG NAGING ESTRANGHERO SA ISA'T-ISA

S: HAPPY NEW YEAR.

S: KAHIT IKAW LANG HAPPY

*Stranger Borromeo is offline*


Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon