Ikadalawampu't Pitong Inis

4.1K 211 17
                                    

A: Ayos lang 'yan, Stranger. Kung kayo naman talaga, kayo pa rin hanggang sa huli. Mapagbiro ang tadhana.
S: Kahit ata tadhana suko na. Sigurado naman akong wala ng pake sa'kin 'yun. Buti pa ang study may significance.
A: Ay syet bumanat si Stranger! 'Wag mo na ngang ipaaalala ang thesis na 'yan, nabi-bitter ako. Teka, paano mo naman nasabi na wala ka ng significance sa kanya?
S: Alam ko lang.
A: Paano nga?
S: Siya ang nang-iwan. Eh 'di malamang siya ang nanunang mawalan ng pagmamahal.
A: Hindi rin, Stranger.
S: Paano mo rin nasabi?
A: Dahil sa'min ng ex ko, ako ang nang-iwan. Pero hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.

Hi, Stranger (EPISTOLARY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon