CHAPTER 20

6 0 0
                                    

Gabriel was transferred to a private room after they waited for five hours from the ER. After makuhaan ng dugo ni Ford ay pumunta agad siya sa room ni Gab. He can't believe it that finally he was able to hug Gab for the first time, kiss his forehead and hold his hands, only, they were in the hospital where the child was fighting for life. Tears started to fall in Ford's eyes habang mahigpit na hawak ang kamay ng bata habang natutulog pa ito at naantig naman ang puso ng nanay ni Brooke sa nakita niya. He was silent as he kept holding his hands and kept staring his face. Kahit na malungkot ang sitwasyon ngayon pero masaya pa rin siya at sa wakas ay nayakap na niya ang anak niya.

Nakatulog na rin ang nanay niya sa sofa dahil sa pagod. Magliliwanag na pero hindi pa nakatulog si Brooke.

"Magpahinga ka muna. Ako na muna magbabantay kay Gab." Sabi ni Ford.

"Naku hindi. Magugulat 'yan 'pag nagising at ikaw ang nakikita." Sabi ni Brooke.

"Mommy, sino po siya?" Nagising si Gab.

"Naalala mo ba nag-usap tayo sa phone then you asked me if I can be your daddy? That's why I am here because I will be your daddy na starting today." Sabi ni Ford sa bata.

"Sabi kasi ni mommy my daddy died na eh." Mahinang sabi ni Gab.

"Kasi, akala niya namatay na ako dahil nagkasakit ako noon. Pero gumaling ako dahil kumain ako ng malakas. So, I'm still alive and you have a daddy now. Gusto mo ba?" Paglalambing ni Ford sa bata.

"Opo... Mommy, totoo po ba he will be my daddy now?" Tanong ni Gab sa mommny niya.

"Kung gusto mo, anak. Happy ka na ba?" Tanong ni Brooke as she touched his forehead and neck at napansin na hindi na siya masyadong mainit.

"Of course, mommy! We are a happy family now. Yey! I have a daddy now." Tuwang-tuwa si Gab and Ford was even happier and can't hold on his tears. He hugged Gab again and kissed his forehead.

"Kaya magpagaling ka, anak. Kumain ka rin ng malakas. Kapag magaling ka na, ipapasyal kita sa malaking eroplano. Nakasakay ka na ba sa airplane?" Tanong ni Ford sa anak.

"No po. Pero si mommy po ang work niya ay sa malaking airplane sabi po niya. Kaya lang hindi pa niya ako napasyal. Ipapasyal mo po ba ako sa big airplane, 'yong totoong airplane?" Tanong ni Gab sa daddy niya.

"Syempre basta magpagaling ka agad ha. Kapag magaling ka na, promise ni daddy sasakay tayo sa big airplane, tayo ni mommy. Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ni Ford.

"Sa Disneyland po." Sabi ni Gab.

"Aba ang layo niyan, anak. Ang mahal kaya doon." Natawa si Brooke sa anak.

"Wow! That's a very interesting place. Sige punta tayo sa Disneyland kapag magaling ka na, I promise." Sabi ni Ford habang hawak-hawak pa rin ang kamay ni Gab.

"Naku, huwag mo pangakoan ang bata na hindi natutupad at magtatampo 'yan sa 'yo. Mahirap 'yang pangako mo ha." Sabi ni Brooke.

"Totoo pupunta tayo sa Disneyland, I promise. Ikukuha kita agad ng passport. Alam mo ba kung ano 'yong passport?... what's your favorite food, anak, at bibilhin ko agad ngayon at kakain ka ha?" Tanong ni Ford.

Matapos ang masaya nilang usapan ay bumili agad si Ford ng favorite ni Gab na Jollibee chicken and spaghetti. Bumili na rin siya ng breakfast nila at matapos ay pinapauwi ni Brooke ang nanay niya para makapagpahinga ng maayos. Hindi masyadong kinakausap ng nanay ni Brooke si Ford dahil may hinanakit pa rin ito sa kanya pero natuwa na rin siya at alagang-alaga silang lahat doon sa hospital. Then Ford processed the payment for the hospital. Brooke insisted to use the money that he gave but Ford refused dahil regalo 'yon sa kanila at hindi para sa hospital.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now