CHAPTER 16

8 1 0
                                    

Ford decided to go to Brooke's place the next day pero hindi siya magpapakita. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya malalaman ang totoo. He used his dad's car with a tinted window so he won't be seen inside. Sigurado siyang nag-aaral na ang bata at his age and at around four or five in the afternoon ay baka makita niyang dumating galing sa school.

He parked at a distance na makikita niya ang talyer at ang gate ng bahay nila ni Brooke. Nakikita niya ang tatay ni Brooke na busy sa pag-aayos ng kotse. At tamang-tama may dumating na Montessori school bus at may batang lalaki na bumaba. Kinakabahan siya. Pinagmamasdan niyang mabuti para makita niya ang mukha. Lumapit ang bata sa lolo niya at nagmano kahit marumi ang kamay nito. Nang humarap ang bata dahil papasok na sa loob ng bahay nagulat si Ford. He can't be wrong. Kamukhang-kamukha niya ang bata. Then Brooke went out to meet the child, hugged him and kissed his forehead. They talked shortly and then she went out to buy something at the store nearby. Maikli ang shorts at naka-spaghetti shirt lang siya. Sexy pa rin at parang walang nagbago mula noong college pa siya na lagi niyang nakikitang naka-shorts. Noong nagkasama sila sa hotel sandali ay lagi siyang naka-dress kasi. Hindi na siya mapakali. He called her phone as soon as she went back inside their house.

"Brooke, can we meet, please?" Mahinahong pakiusap niya. "Saglit lang talaga. Please."

"Busy ako, hindi ako pweding umalis sa bahay ngayon. Bakit nasaan ka ba?" Tanong ni Brooke.

"I really want to visit you there sa bahay niyo pero baka patayin ako ng tatay mo." Sabi ni Ford.

"Naku, huwag kang magkamaling pumunta dito at papatayin ka talaga ng tatay ko." Sabi ni Brooke.

"Kaya nga magkikita nalang tayo, eh. Saglit lang talaga, I promise." Pakiusap uli niya.

Pumayag din si Brooke dahil sa pagmamakaawa ni Ford. Nagkita sila sa isang lugar near the church where he can park his car and medyo hindi matao. Doon nalang niya hihintayin si Brooke sa car niya and he gave her the plate number and color of his car. It was a Ford car din kaya madali lang niyang hanapin.

"Alam mo bang kami pa rin ni Angelo hanggang ngayon kaya lang nasa malayong lugar siya and almost five years na kaming hindi nagkikita. Mahirap din ang signal doon kaya we rarely talk to each other." Sabi agad ni Brooke as she got in his car. "Mahirap ang situation namin pero tiniis ko dahil nagtiwala akong babalik pa siya at tuparin ang pangako niya."

"Why are you telling me this? Para magselos?" Tanong ni Ford.

"Hindi naman. Just so you know na I'm not ready magpaligaw ng iba. Nirerespeto ko ang relationship namin kahit malayo kami sa isa't isa." Prangkang sabi niya para hindi na siya kukulitin pa ni Ford.

Natahimik si Ford. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Nag-isip siya kung papano niya tanungin si Brooke tungkol sa anak niya. They were silent for a few moments.

"Alam kong hindi si Angelo ang ama ng anak mo." Kalmadong sabi niya.

"What? How did you know na may anak na ako?" Nagulat si Brooke. "Sinong nagsabi sa 'yo?"

"Hindi na importante kung sinong nagsabi sa 'kin. Ang mahalaga nalaman ko." Mahinang sagot niya. "Brooke, ako ba ang ama? Nakita ko siya kanina nang hinatid ng school bus sa bahay niyo. At hindi ko maipagkakaila na kamukhang-kamukha ko talaga siya. You can't deny it, Brooke."

"So, nagpunta ka pala sa bahay kanina? Minamanmanan mo ba kami?" Nainis si Brooke sa nalaman niya ngayon. This is it talaga, naisip niya.

"I just really want to see him dahil iba ang kutob ko. At hindi ako mapakali. Brooke, please tell me the truth. Ako ba ang tatay niya? Anak ba natin siya, ha?" He was very anxious to know. "Brooke, I think I deserve to know the truth and you can't deny it. Malayong-malayo ang itsura niya kay Angelo kaya kahit na ipagpilitan mo man sa akin ngayon na si Angelo ang ama, hindi ako maniniwala. Magpapa-DNA test ako kung kinakailangan." Seryosong sabi niya.

She started crying and didn't know what to say. Andito na siya at wala na siyang lusot. Gugulo na ang buhay niya because she thought Ford would do everything para makalapit sa anak niya at hindi ito imposible dahil makapangyarihan sila. Her being silent now would only mean that it's true, na si Ford ang ama.

"Brooke? Please answer me. Nagmamakaawa uli ako sa'yo ngayon na sabihin mo sa akin ang totoo dahil karapatan kong malaman. Anak ba natin siya?" Pagmamakaawa ni Ford ulit.

"Hindi naman siya nabuo because of love. Nabuo siya because of delinquency, it's still a crime kung iisipin mo. Pero inosente naman siya at hindi niya kasalanan ang nangyari kaya mahal na mahal ko ang anak ko. At walang kahit na sinong kumuha sa kanya. Mamatay muna ako bago mo siya makukuha." Umiiyak pa rin siya.

"Bakit, sinabi ko bang kukunin ko siya sa 'yo? I was just asking for confirmation from you na ako talaga ang ama niya. And I deserve to know the truth. But I never intend to take him away from you dahil wala akong kwentang ama kung iisipin. Wala akong karapatang kunin siya dahil ikaw ang nagpalaki sa kanya. Pero utang na loob, Brooke, kailangan din ako ng anak ko. Gusto ko siyang mahawakan... mayakap, at mahagkan. Gusto kong maipadama sa kanya na andito ako mamahalin siya at aalagaan siya and give him a good life. Alam kong maayos naman ang pagpapalaki mo sa kanya pero bigyan mo rin ako ng chance na maging tatay niya. Hindi ako masamang tao, alam mo 'yon. Isang beses lang kitang hinalay dahil gigil na gigil ako sa'yo noon, and that was the only crime that ever I committed, I swear. At pinagsisisihan ko na talaga." Napakahaba ng paliwanag niya at tumulo na rin ang mga luha niya. "Kaya pagbigyan mo 'ko please? Gusto kong mayakap ang anak ko, please?"

"Hindi madali para sa 'kin 'to, alam mo 'yon. Ang hirap. Ang sakit. Pero wala na akong magawa eh. Kaya just give me some time at ihaharap ko siya sa 'yo kung handa na ako at handa na rin ang anak ko na harapin ka. Dahil ang sabi ko sa kanya patay na ang daddy niya. Magtataka 'yon bigla at malilito, kawawa naman. Basta huwag mo lang akong mamadaliin dahil napakabilis ng mga pangyayari. Sana naintindihan mo." Paliwanag ni Brooke.

"Sure, I promise hindi ko kayo guguluhin. Dahil baka 'pag nalaman pa ng tatay mo patayin pa ako at hindi ko na tuloy mahawakan ang anak ko." Biro niya. "I trust you na hindi mo siya ipagkait sa akin, na hindi mo siya ilayo sa akin. I'll wait for the right time." Sabi ni Ford.

"Promise hindi mo siya aagawin sa akin? Hindi mo siya kikidnapin? Dahil makapangyarihan kayo at alam kong kaya mong gawin 'yan." Nag-alala pa rin si Brooke sa mga posibleng mangyari.

"Of course not. Ba't ko naman gagawin 'yon? I told you na 'di ba, na wala akong karapatan na kunin siya dahil wala akong kwentang ama. Basta ang importante mayakap ko lang talaga siya at mahagkan. Ang sarap ng feeling alam mo 'yon? Nang makita ko kayong dalawa kanina parang dinudurog ang puso ko sa inggit... what's his name nga? And how old is he na? I think seven or eight years na mula noong iniwan kita so ganun na rin ang age niya ano?" Nakangiting tanong ni Ford.

Hindi na maalis sa mukha niya ang excitement at saya. Kumain sila saglit sa isang restaurant at hindi rin sila nagtagal dahil gabing-gabi na and Ford insisted to drop her home.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now