CHAPTER 10

11 0 0
                                    

The flight ended well and safe, and all the passengers have disembarked. Brooke was busy cleaning up again and checking if everything was in order for the next flight. She wanted to go home and rest dahil ayaw niyang makasama si Ford palagi sa trip na ito pero hindi pwede. She prayed na sana ay lilipat nalang siya ng ibang aircraft but then Ford went out of the cockpit and approached her. They only have thirty minutes lay-over before their next flight.

"Brooke, pwede ba tayong mag-usap sandali? Please?" Pakiusap ni Ford. "Would you like to rest muna at maghahanap tayo ng kapalit mo for the next flight?"

"No." Maikling sagot ni Brooke as she kept fixing the seats for the next flight.

"I never really expected na magkita tayo dito. Last minute lang kasi akong sinabihan dahil urgent eh, because they knew it that I am available. International flight kasi ako pero nakiusap akong mag bakasyon muna and I was planning to see you dahil gusto kong humingi ng tawad sa 'yo at sa family mo. Ilang years na kasi ako sa trabahong ito at hindi ako masaya. Dahil nakokonsensya ako palagi everytime na naaalala kita. I kept praying that someday we will meet and you will forgive me. Please give me a chance to prove to you na pinagsisisihan ko na talaga ang lahat at nagbago na ako. Please, Brooke." Mahabang paliwanag ni Ford.

Tahimik lang siya. Wala siyang ibang gustong sabihin pero gusto niyang sampalin nang sampalin si Ford sa mga oras an iyon pero hindi niya magawa.

"Please, magsalita ka naman. Murahin mo ako, kung gusto mo. Suntukin mo ako, sampalin ng malakas, do whatever will make you feel relieved, hindi kita pipigilan." Seryosong sabi ni Ford. Napansin na naman sila ng mga kasamahan na seryosong nag-uusap sa may dulo ng aisle.

"You almost ruined my life, Ford, kaya habangbuhay kitang kamumuhian. Kahit gaano man kalinis at kaputi 'yang uniform mo, that will not change the reputation that you left in me! Hayop ka pa rin sa paningin ko dahil binaboy mo ang pagkababae ko!" Brooke was trying to hold on her tears dahil nahihiya siya sa mga kasamahan nila na patingin-tingin sa kanilang seryosong pag-uusap.

"Come here." Hinila siya ni Ford papunta sa pinakalikod ng cabin para may privacy at napilitan siyang sumama. Kinuha ni Ford ang mga kamay niya. "Sige, suntukin mo ako ng malakas. Sampalin mo ako, hindi kita pipigilan. Sige na, para mawawala na rin ang konsensyang dala-dala ko dahil mabigat sa kalooban, alam mo 'yon? Kaya ilabas mo ang galit mo sa akin."

Tumutulo na rin ang luha ni Ford dahil masakit din para sa kanya ang nagawa niya dahil gustong-gusto niya talaga si Brooke dati pa kaya lang nawalan na siya ng pag-asa at idinaan niya nalang sa illegal na paraan ang pag-angkin kay Brooke. He forced her hands to slap at his face for a few times and forced her hands to hit his body. And then Brooke slapped him twice. Malakas. Pagkatapos ay pinagsuntok-suntok niya ang dibdib ni Ford ng maraming beses while crying at hinayaan lang siya ni Ford hanggang mapagod siya. It was almost thirty minutes already and they were supposed to be ready for the next flight. Pero walang pakialam si Ford dahil gusto niyang maayos ang gusot na nagawa niya sa buhay ni Brooke.

Nang mapagod si Brooke sa kasusuntok ay tumakbo siya uli sa restroom and cried. Buti nalang waterproof ang make-up niya. Ford wiped his teary eyes as he went out going back to the main cabin area and asked the team again to announce that the flight will be delayed again for twenty minutes. Nag-sorry siya sa mga kasamahan lalo na sa ka-partner niyang pilot. Everyone was already intrigued about them. Tinawag uli ni Ford si Jannah just to check if Brooke went out of the restroom fine.

She composed herself and as if walang nangyari pero namamaga na konti ang mga mata niya. Nagre-touch nalang siya dahil light lang ang make-up niya. Nakaraos din nang isa pang flight pero hindi na kakayanin ni Brooke. She really wanted to go home early to rest. When everyone had left, she talked to Jannah.

"Besh, hindi ko na kakayanin. I really need to rest. Magpahanap ako ng replacement agad at uuwi muna ako sa hotel." Sabi ni Brooke kay Jannah. She was trying to pack up her things nang lumapit na naman si Ford at umalis si Jannah para mabigyan uli sila ng privacy.

"Ako na ang tatawag ng replacement mo. You should get some rest, okay?" Sabi ni Ford habang kinuha ang phone niya at may tinawagan. Tahimik lang si Brooke na nag-aayos ng kanyang mga gamit.

"May parating na replacement mo. Go get some rest. Please call me if may kailangan ka, kahit na ano. Sabihin mo lang, okay?" Seryoso siya at very concerned kay Brooke. At siya ang dahilan ng lahat sa mga pangyayari sa loob ng aircraft. "I just want you to know that I will do everything para makuha ko ang kapatawaran mo... Here's my number. Please don't hesitate to call me if you need anything, okay?"

She grabbed the piece of paper from Ford without any words at umalis agad. Nahihiya siya sa mga pangyayari sa araw na iyon kaya gusto niyang umuwi at magpahinga. When she arrived at the hotel ay umiyak na naman siyang mag-isa. Gusto niyang tawagan si Angelo pero hindi pwede dahil mahirap ang signal doon at hindi sila basta-basta pweding tagawan anytime. She called her nanay instead at para na rin makausap si Gabriel, ang anak niya.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now