CHAPTER 3

13 1 0
                                    

Absent uli ang driver the following day at tinawagan ng tatay ni Brooke si Ford kung papayag uli mag-drive at pumayag naman agad. Ford tried to come early so he can have time to offer Brooke a ride to her school kung sakali. At tama nga naman siya.

"Ihatid nalang muna kita sa school mo bago ako mamamasada." Offer ni Ford as he waited Brooke to pass by sa unahan ng talyer.

"Huwag na mag-jeep nalang ako." Sabi ni Brooke.

"Sige na. Halika na." Pilit ni Ford at binuksan ang pintuan ng taxi. "Sa inyo rin naman 'tong taxi eh." He smiled.

She can't refuse and decided to get in the taxi at the passenger's seat in front. Natuwa naman si Ford. They talked on their way to Brooke's school for about thirty minutes dahil medyo ma-traffic. May pasok si Ford in the afternoon and was confused if mag-absent siya or hindi dahil pwede naman niya iparada ang taxi sa parking area ng school. But since he was able to give Brooke a ride and got the chance to talk to her ay naisipan niyang mag-absent nalang upang sunduin uli si Brooke mamaya.

Hindi masyadong interesado si Brooke sa pag-uusap nila kaya hindi siya nagtanong-tanong. Si Ford ang maraming tanong sa kanya lalo na about kay Angelo. Brooke was feeling uncomfortable but she tried to be friendly. Nang makarating sa school niya nagmamadali siyang nagpaalam at lumabas agad sa taxi. Sinabi niya kay Angelo na hinatid siya ni Ford.

Nang hapong iyon ay inabangan siya ni Ford sa labas ng gate ng school. Pero nainis si Ford ng makitang magkasamang lumabas si Brooke at Angelo. Naiinis talaga siya kay Angelo. He suddenly left and patuloy na mamasada nalang. Gusto niya si Brooke. Halos lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. But it seems he will be having a hard time dahil masyado pang bata si Brooke. She was only sixteen while he was twenty.

Hindi na muna siya makapag-drive ulit the next day dahil bumalik na ang taxi driver nila Brooke. Naghihintay uli siya kung kelan makalapit kay Brooke. Nahihirapan siya dahil lagi nitong kasama si Angelo. At kahit na boyfriend na nito si Angelo ay hindi siya titigil hangga't makuha niya si Brooke.

Patuloy pa rin sa mga bisyo niya si Ford at laging bagsak ang mga grades niya. He always invited his friends to have drinking session doon sa maliit na bar malapit sa boarding house niya at minsan ay nadadaanan siya ni Brooke na lasing. Patuloy pa rin siya sa pagpa-part time driver sa taxi nila ni Brooke dahil natatakot siyang maubos ang naipong pera niya kaya kahit papano ay nakakatulong na rin ang page-extra niya sa pagda-drive ng taxi.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now