CHAPTER 14

7 0 0
                                    

She finally decided to render her resignation letter at hindi na siya pumasok uli on the next day. She called Jannah to tell her about her plans but she didn't tell her about Ford. Sinabi lang niya na nag-away sila dati ni Ford na hindi naresolve kaya ganun ang eksenang nakita nila sa loob ng aircraft the other day. Nagtataka pa rin si Jannah and she kept asking kung naging boyfriend ba niya si Ford pero hindi na niya ito sinagot. Nagulat na naman siya nang may kumatok sa gabing iyon.

"You are resigning?" Matamlay na tanong agad ni Ford pagkabukas ni Brooke sa pintuan. "Why? Because of me?" Then he forced to smiled.

"Hindi ah. Matagal ko na talagang balak mag-resign and finally I have decided." Sabi ni Brooke habang patuloy na inayos ang mga gamit niya sa maleta.

"Last day ko na bukas dahil we hired a new Pilot. 'Yong si Captain Cruz kasi nasa hospital pa. And I am supposed to be on a vacation. Kung baka kasi ayaw mong makasama ako sa pagbabyahe kaya I insisted to find a new Pilot at para na rin ma-enjoy ko ang vacation ko. Kaya you can go back to work na tomorrow if you want. Please, huwag kang mag-resign." Pakiusap ni Ford.

She was speechless. Dahil ang totoo ay si Ford talaga ang dahilan kung bakit nag-resign siya. She doesn't want to see him always dahil baka mahulog pa ang loob niya sa kanya. At lalong ayaw niyang malaman na may anak sila dahil ito ang magiging ugnayan nila sa isa't isa.

"Is there something I can do to stop you from resigning your job?" Parang lambing na tanong niya kay Brooke.

"No, no. Wala... gusto ko kasing magkapag-travel abroad kaya maghahanap ako ng ibang opportunity." She lied.

"Pwede ka naman ilipat sa international flight kung gusto mo. You will have the chance to travel abroad talaga if nasa international flight ka, galing na ako doon." Sabi ni Ford. "Ano, gusto mo ba? Tawagan ko ang office bukas."

"No, please, huwag. I am decided na talaga na mag-resign. Matagal ko na 'tong plano, promise totoo talaga. Kahit tanungin mo pa si Jannah. Alam niya ang mga plano ko." Sabi ni Brooke at napansin niya ang oras sa phone niya it was almost eight na pala at gutom na siya.

"Kumain ka na ba? Can we have dinner muna diyan sa baba lang?" Tanong ni Ford.

Ito na, at nagsisimula nang magpaka-romantic ni Ford at gusto niyang iwasan talaga. Alam naman niya na dati pang may gusto si Ford sa kanya and this person she once hated so much is a very different person now and she can't ignore the feeling of admiration because of what he had been through and how he became the person he was when they met again. Gutom naman talaga siya pero ayaw niyang sumama.

"Dito nalang ako kakain. May binili naman ako kanina 'yon nalang ang kakainin ko." Sabi ni Brooke.

"I would insist you to have dinner with me, please? Di ba sabi mo, tutulungan kitang makalimutan mo ang pangit na nagawa ko sa buhay mo? Kaya gusto kong bumawi sa 'yo. Kaya I'll treat you for dinner, please?" Pakiusap ni Ford.

Hindi na siya makatanggi. Once papayag siya ngayon ay masusundan pa uli ito naisip niya. Kaya decided na talaga siyang umuwi agad.

They went down to have dinner at the restaurant inside the hotel. Nahihiya siya dahil maraming staff ang nakakilala kay Ford, napansin niya. Buti nalang naka-dress siya na kahit hindi siya masyadong nag-ayos ay she looked presentable pa rin.

Napaka-gentleman ni Ford habang nagdi-dinner sila. Who would have thought that this man had once abused her in bed and left her? She was fighting against her feelings that she was starting to like him already dahil mabait naman talaga siya. Paano na si Angelo? Kahit minsan nalang sila nag-uusap ay boyfriend pa rin niya ito. Naguguluhan na siya kaya gusto na niyang umalis na agad at magpakalayo para hindi na sila magkikita pa ni Ford.

"Sa inyo rin pala itong hotel. Ang yaman yaman niyo talaga. Kaya nahihiya akong kasama mo dahil halos kilala ka ng mga tao rito." Sabi ni Brooke as they started eating.

"Ah hindi. Sa Ate Chevy ko ito. Business nila ng husband niya. Sila lang naman ang mayaman at hindi ako." Biro niya. "May trivia kaming magkakapatid alam mo ba? All of us my siblings were named after a luxury car. 'Yong eldest namin si Ate Mercedes, Mercy ang palayaw niya. Ang sumunod si Ate Chevrolet, Chevy naman ang palayaw niya. And then me, Ford. Funny ano?" Biro ni Ford. Natuwa siya at napatawa na niya si Brooke.

"Really? Mahilig ba sa car ang mommy mo or daddy mo?" Tanong ni Brooke.

"Actually, si daddy. Meron din kasi kaming car with these three brands kaya ito ang naging name namin. Parang wala nang ibang choice si mommy ano?" Biro niya.

"Buti naman pumayag ang mommy mo. Pero maganda naman ang names nyo ah." Sabi ni Brooke.

"Eh ikaw, I'm curious kung bakit Brooke ang name mo." Sabi ni Ford.

"Ah, favorite kasi ni nanay si Brooke Shields, kasikatan niya noon nang mabuntis si nanay sa akin." Natawa siya. "Nakakatawa nga dahil hindi bagay." It seems they were starting to get to know each other now though they have already met before.

"Talaga? I like your name. Sa name mo pa lang mukha nang maganda at nakakaintriga... Ipapakilala kita sa Ate ko kong makapunta siya dito. I wish ma-meet mo ang family ko. Mababait sila and very welcoming, I promise." Nakangiting sabi niya.

Ito na naman siya ulit. Palevel-up nang level-up na talaga si Ford sa mga hakbang niya at kinakabahan na siya. Bukas na bukas ay aalis na talaga siya dito at uuwi na.

Hinatid siya ni Ford sa kwarto niya after dinner. Napansin naman niya na mukhang masaya si Ford habang kasama siya at sobrang sweet pa. Inayos na niya lahat ng gamit niya at aalis na siya bukas talaga. Magkikita nalang sila ni Jannah kung libre na ito para makapag-usap ng personal tungkol sa mga pangyayari.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now