CHAPTER 13

7 0 0
                                    

Mahigit isang oras silang nag-uusap when Ford realized it was getting late at baka pagod na rin si Brooke. Pagod na rin siya but he didn't care dahil importante sa kanya ang matagal na niyang pangarap na makaharap uli si Brooke at mapatawad siya.

"Pasensya ka na at ang dami kong nakwento and it's getting late na pala. I have to go na para makapagpahinga na rin." Tumayo si Ford nang makita sa wristwatch niya ay past ten na pala ng gabi. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pintuan para umalis. "Kumain ka na ba?" Pahabol niyang tanong bago binuksan ang pinto.

"Hindi. Nakatulog ako." Sabi ni Brooke.

"Naku, sana sinabi mo kanina at kumakain tayo habang nagkwentuhan. Di bale, tawagan ko ang kitchen, 24 hours naman 'yan at mag-order ako. Ipaakyat ko nalang dito. Can I use your telephone?" Sabi ni Ford.

"Huwag na ako nalang. I'll go downstairs nalang siguro or baka sa labas may 24 hours naman diyan." Sabi ni Brooke.

"No, huwag ka nang lumabas at gabi na. I'll get you some food, ako naman ang magbayad." Nakangiting sabi niya and he dialed the phone to order. "Ano bang gusto mo? Heavy meal?"

"Sandwich nalang." Nahihiyang sagot niya. "Gabi na kasi at matutulog na rin ako after kumain."

"O sige clubhouse nalang." Sabi ni Ford. "You don't need to work tomorrow so you can have more rest. Ako nang bahala." Nakangiting sabi niya matapos mag-order ng pagkain. "When was the last time you had your time off?"

"Naku three weeks na yata. Gusto ko na nang umuwi dahil na-miss ko na ang..." Muntik nang sabihin ni Brooke ang anak niya at naalala niyang kausap niya pala ang ama ng anak niya, "... ang nanay at tatay ko." She continued.

"Kumusta nga pala ang nanay at tatay mo? Ganun pa rin ang ba ang business nyo?" Tanong ni Ford as he went back to the door again getting ready to leave. Gusto sana niyang magtanong about kay Angelo pero hind na muna dahil baka masasaktan lang siya sa marinig niya kung sila pa ba hanggang ngayon.

"Matanda na si tatay pero ayun nagtatrabaho pa rin sa talyer namin dahil parang exercise niya na rin daw araw-araw." Sabi ni Brooke.

"Brooke, thank you. Thank you at napatawad mo rin ako. God knows how much I have waited for this moment talaga." Seryosong sabi ni Ford at inabot uli ang kamay ni Brooke for another shake hand.

Tahimik uli si Brooke at hindi alam ang sasabihin. She just slightly smiled and they shook their hands quickly.

"Basta hindi ka papasok bukas. Magpahinga ka na lang muna diyan ha. Just let me know kung kelan mo gustong bumalik sa work... good night!" Sabi ni Ford and then went to the elevator.

Maya-maya dumating ang food na inorder ni Ford at talagang nagutom siya nang makita ito. She ate while watching TV pero wala siyang maintindihan because she kept recalling on what she had learned from Ford today. She realized that it could be the reason why her family didn't file a case against Ford dahil baka alam nila na mayaman si Ford. Maraming alam kasi ang Kuya niya at naisip niya na baka nagsearch itong mabuti para malaman ang tunay na pagkatao ni Ford.

She was worried kung ano kaya ang gagawin ni Ford kung malaman niyang nagbunga pala ang panghahalay sa kanya. Ayaw niyang sabihin kay Ford dahil baka kukunin niya ang anak nila dahil mayaman sila at lalo na't abogado pala ang Ate niya. Magre-resign na siya talaga at uuwi na muna para makapiling ang anak at baka anytime susugod si Ford at kukunin ang anak nila. She was confused and can't sleep agad. Buti nalang hindi siya papasok bukas dahil kulang siya sa pahinga at magulo ang isip niya.

The next day she was awakened by the knock on her door. May delivery ng pagkain for her lunch at nagulat siya dahil hindi naman siya nag-order. May free breakfast naman sila but she realized it was past eleven in the morning na pala at closed na ang breakfast buffet.

"Are you sure para sa akin 'to? Hindi naman ako nag-order ah." Sabi ni Brooke sa crew na nagdeliver.

"Yes po ma'am. Dito po talaga ito. Order po ni Sir Ford." Sabi ng crew.

"Kilala nyo ba si Ford?" Nakangiting tanong niya.

"Yes po ma'am. Regular guest na kasi namin siya dito. Ang Ate niya yata ang isa sa may-ari nitong hotel." Sabi ng crew. "Sige po mam, balikan ko nalang 'to 'pag tapos na po kayo." At nagmamadaling umalis ang crew.

Nagulat na naman siya sa nalaman niya. Pabalik-balik naman sila ng mga kasama niya sa hotel na ito but she never had the chance to meet Ford.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now