CHAPTER 2

17 1 0
                                    

"Angelo, wala akong pera ha kaya ilibre mo ako ng snacks ngayon at nagugutom na ako." Sabi ni Brooke.

"Sure. Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ni Angelo.

They were close friends since they became classmates for two years in high school until they graduated. Angelo was a transferee when his family moved to this place because his father was moved to a new branch here where he was working as an Engineer. Type niya si Brooke pero hindi siya makadiskarte agad dahil bawal pa itong ligawan. He was happy na rin because they became close friends instead after they were paired on a Science project last year.

"Manood tayo ng sine." Angelo invited Brooke as they were having lunch at KFC at the mall.

"Pagagalitan ako ni nanay 'pag ginabi ako, ano ka ba." Sabi ni Brooke.

"Maaga pa naman hindi tayo gagabihin." Pilit ni Angelo.

"Kahit na. Kapag nalaman nina nanay at tatay na kasama kitang pumasok sa sinehan pagagalitan ako." Sabi ni Brooke.

"Hindi naman nila malalaman 'yon kung hindi mo sasabihin. Unless kung may makakakita sa 'tin at magsumbong." Sabi ni Angelo.

"Eh 'yon na nga eh baka may makakita. Huwag nalang. Next time nalang pagkatapos natin sa high school, okay?" Sabi ni Brooke.

They went home after they bought the necessary things that they planned to buy at hinatid sya ni Angelo sa bahay nila. Naglakad lang sila mula sa babaan ng Jeep papunta sa bahay ni Brooke so they can have more time talking at dahil hindi na rin mainit ang araw.

Nakauwi na rin si Ford at sinuli ang taxi. Nakikipag-usap muna siya sa tatay ni Brooke bago umalis at nagbabaka-sakaling maabutan niya si Brooke na dumating. At dumating nga ito na may kasamang lalaki na naghatid sa bahay nila. Madadaanan kasi ang talyer bago pumasok sa maliit na gate ng bahay nila. Nagpaalam agad si Ford sa tatay ni Brooke when he saw them coming. Para siyang nagseselos. Pinakilala ni Brooke si Angelo dahil nagkasalubong sila paglabas niya.

"Hi Ford, si Angelo pala classmate ko. Angelo si Ford, nag-apply ng temporary driver sa taxi namin dahil absent si manong." Pakilala ni Brooke sa kanila at nagkamayan sila.

"Matagal mo na bang kilala 'yon?" Tanong agad ni Angelo nang makaalis na si Ford.

"Hindi. Kanina lang kami unang nagka-usap dahil nagpapaalam mag-apply ng taxi driver. Pero nakikita ko na siya dito dahil diyan lang sa unahan ang boarding house niya." Sabi ni Brooke.

"Parang hindi bagay sa kanya mag-taxi driver ano? Parang mukhang mayaman. Sa name pa lang niya mayaman na." Biro ni Angelo.

"Naisip ko nga. Ang sabi pandagdag daw niya sa tuition niya kaya nag-aapply." Sabi ni Brooke.

"Good afternoon, po, Manong Fidel. Hinatid ko lang po si Brooke at uuwi na rin ako." Sabi ni Angelo sa tatay ni Brooke.

At nagpaalam agad si Angelo matapos maihatid si Brooke sa bahay nila.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now