CHAPTER 17

7 0 0
                                    

The next day nag-shopping si Ford ng mga gamit at lauran ng bata at pinadala niya sa driver nila at hinatid sa bahay nina Brooke. Nagulat ang mga magulang niya kung kanino galing pero sinabi nalang ni Brooke na regalo ni Angelo para wala nang daming tanong kahit na wala pa rin siyang balita kay Angelo.

The following day nagulat uli si Brooke. Nakatanggap na naman siya ng envelop na hinatid ng driver nina Ford. Isang ATM card na may sulat kamay ni Ford, For Brooke and my son Gabriel. She tried to check kung magkano ang laman dahil nilagay naman ang PIN and she was very surprised of the huge amount. It was worth 300,000 pesos. She can't take it. Isusuli niya ang card at tinawagan niya si Ford ng gabing iyon.

"Are you trying to buy me?" Tanong niya agad kay Ford dahil nainis siya.

"Why? Of course not." Sabi ni Ford sa kabilang line.

"Isusuli ko 'tong ATM card sa 'yo okay? Hindi ko matanggap 'tong pera. Baka magbago pa ang isip ko at hindi mo na tuloy mahawakan ang anak mo." Naiinis na sabi ni Brooke.

"Please, please, Brooke, don't ever say that. Kung ayaw mo tanggapin eh 'di huwag mo nalang gamitin. Basta diyan lang 'yan. Sa 'yo naman nakapangalan ang account na 'yan. Sariling pera ko naman 'yan kaya ibibigay ko sa anak ko, sa inyong dalawa." Sabi ni Ford.

"Pwede ba huminto ka na sa pagpapadala na kung anu-ano dito sa bahay at nagtataka na sila nanay? Baka malaman pa nila ang totoo at hindi na matuloy ang plano ko na iharap siya sa 'yo. Naghahanap lang ako ng magandang tyempo na sabihin sa kanila para hindi naman sila mabigla at pati na rin si Gab."

Nakinig naman si Ford kay Brooke. Nag-iingat nalang siya upang makita pa niya ang anak niya. Matiyaga nalang siyang naghihintay kung kelan magiging handa na si Brooke na iharap ang anak nila at dasal niya na sana ay malapit na.

After a few days may tumawag na unsaved number kay Brooke. Si Angelo pala dumating na. At gusto niyang magkita sila. Nagtataka siya kung bakit kailangan pa nilang magkita sa labas na pwede naman siyang dumalaw sa bahay nila. Excited siya dahil five years din silang hindi nagkita at baka magpo-propose na sa kanya.

They met at the park na favorite nilang magdate dati noong college pa sila at hindi masyadong matao dahil maaga pa. Hindi niya matiis ang pangungulila sa boyfriend niya and she hugged him and kissed his lips.

"I missed you so much. Bakit hindi mo ako tinawagan agad na uuwi kana? Kumusta ka na? Pumayat ka yata." Excited na excited si Brooke ng makita si Angelo.

"I missed you, too, Brooke. Sobrang busy ko at saka mahirap talaga ang communications doon sa site namin. Pero last month lang natapos ang mission ko at nagpunta ako ng US because my uncle invited me." Sabi ni Angelo na napansin ni Brooke na medyo matamlay.

"Last month? At hindi ka man lang tumawag sa akin at nagpaalam na nasa US ka na? Hindi naman siguro mahirap ang signal doon sa uncle mo ano?" Nagtataka na si Brooke.

"I am going to tell you something, Brooke. I know magagalit ka pero mabuti nang sa akin manggaling kesa ibang tao mo pa malalaman." Nahihirapan si Angelo kung paano niya sasabihin. He was silent for a while.

"Alam kong mayroon nang iba, Angelo, huwag ka nang magpaliwanag." Mangingiyak na sabi ni Brooke. "I knew it, Angelo. Kahit hindi mo man aaminin ngayon, ramdam ko na may bago ka na. Five years... that's damn long enough na natiis ko na hindi ka nakita. And in five years' time, ilang beses lang ba tayo nagkakausap? Nage-emailan? Mabibilang lang sa daliri ko, alam mo ba? Kaya don't ever tell me your stupid reason again na mahirap ang signal doon. Pero nagtyaga pa rin ako na hintayin ang pagbalik mo dahil nangako ka sa akin, magpakasal tayo pag-uwi mo. But that's a bullshit promise now!" Galit na sabi ni Brooke.

"Brooke, please let me explain." Malungkot na sabi ni Angelo.

"No, you don't need to explain. Para saan pa? Para lalo akong masaktan?" Galit na sabi ni Brooke.

"I'm getting married." Maikling sagot ni Angelo.

"Ano? Walang hiya ka! Pinaasa mo lang talaga ako at sa iba ka lang pala magpapakasal!" Mas lalo siyang nagalit sa narinig niya at hindi niya talaga ine-expect na gagawin 'yon ni Angelo sa kanya.

"Sampalin mo ako, suntukin mo ako. Para makaganti ka na." Kinuha niya ang mga kamay ni Brooke at sinampal-sampal sa mukha niya. At talagang sinampal niya ng malakas si Angelo at iniwan niya.

"Brooke, wait. I'm sorry! Natukso ako, eh." Hinabol siya ni Angelo.

Nagmamadaling lumabas si Brooke sa park at sumakay agad sa taxing dumaan upang umuwi nalang at hindi na siya hinabol pa ni Angelo. Iyak siya ng iyak on her way home.

Napansin ng nanay niya na umiiyak siya. She told her nanay on what just happened. Niyakap siya ng nanay niya dahil naawa ito sa kanyang bunso. Minsan na siyang pinagsamantalahan noon at iniwan, at ngayon ang kaisa-isang boyfriend naman niya sa matagal na panahon ay magpakasal sa iba.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now