CHAPTER 1

85 2 0
                                    

Nagising si Brooke dahil sa ingay sa labas ng bahay nila. Maagang-maaga pa ay nagdadaldal na ang nanay niya. Sabado at walang pasok kaya gusto pa niyang matulog muli. Tinakpan nalang niya ang kanyang tenga ng pillow and tried to get back to sleep.

Brooke was only sixteen years old and in two months' time she will be graduating in high school. The youngest among the three siblings, with one eldest brother who was a Public School teacher and married, and one elder sister who was in second year college taking up Business Tourism. Pangarap niyang maging Flight Stewardess and she planned to take up Airline Management after high school.

She woke up again when Angelo called her phone. Magpapasama sa mall at may bibilhin. Pumayag siya agad dahil gusto niyang umalis sa bahay dahil ang ingay-ingay at ang init pa. Naisipan niyang magpapalamig nalang sa mall.

"Tay pahingi po'ng pera. May bibilhin lang po akong project sa mall." Paalam niya sa sa tatay niya na busy nagtatrabaho sa kanilang talyer na nasa tabi lang ng kanilang bahay.

"Doon ka sa nanay mo manghingi ng pera at wala akong pera dito." Sabi ng tatay niya.

"Hindi naman ako bibigyan niyan at kung magbibigay man mahaba pa'ng litanya muna bago ako mabigyan. Kaya sa inyo nalang po, kahit na magkano nalang po nandyan sa bulsa niyo 'tay." Sabi ni Brooke.

"O eto, may two hundred sa bulsa ko at umalis kana at ang dami ko pang gagawin dito." Sabi ng tatay niya na busy sa pag-aayos ng mga sasakyan sa kanilang talyer.

"Para saan na naman 'yan ha, Brooke? Huwag kang magwawaldas ng pera dahil ang dami nating bayarin. 'Yong taxi driver nag absent hindi man lang nagpaalam kagabi para nakahanap tayo ng kapalit. Ayan tuloy ang taxi natin naka-tambay at walang kikitain ngayon." Sabi ng nanay niya habang lumapit at nakita ang perang inabot ng tatay niya sa kanya. Meron kasi silang isang taxi at isang jeep na pinarerentahan araw-araw para dagdag kita. Mahilig kasi mag-absent ang taxi driver nila.

"Hayaan mo na may importanteng bilhin na gamit sa school." Depensa ng tatay sa bunso niya.

"Maghanap nalang muna kaya tayo ng pansamantalang mag-drive sa taxi kahit isang araw lang baka babalik uli si manong bukas. Maglagay kaya tayo dyan sa labas ng 'wanted taxi driver', or 'di kaya ako nalang muna mag-drive." Biro niya sa nanay niya. Kahit madaldal ito ay binibiro niya para matawa.

"Maglagay ka nga diyan sa labas, anak, at ilagay mo temporary lang muna. Tanggalin nalang natin kung babalik agad bukas 'yong driver... Huwag mong kalimutan ha bago ka umalis?" Utos ng nanay niya.

Naglagay nga si Brooke sa labas ng 'wanted temporary taxi driver' before she left for shopping at the mall. Magkikita nalang sila doon ni Angelo. Nakita ni Ford ang nilagay ni Brooke na wanted driver sa labas ng talyer at lumapit agad sya kay Brooke.

Si Ford ay isang bagong boarder in the neighborhood and crush na crush niya si Brooke nang una niyang makita. A happy-go-lucky college student at may bisyo. Naghihintay siya ng tamang tyempo para makilala si Brooke. He was friendly naman at tsinitong gwapo kahit na long hair at may bigote, pero hindi siya type ni Brooke. And he thought this is the perfect timing para maging kaibigan si Brooke.

"Hi, pwede ba'ng mag-apply? Temporary lang naman di ba?" He asked Brooke when he saw she posted the sign outside.

"Yup, kausapin mo nalang si tatay diyan sa loob." Sabi ni Brooke and she left him. Mukha naman siyang mayaman ba't mag-apply ng taxi driver, naiisip niya.

"Wait!" Habol ni Ford. "I'm Ford. Kailangan ko lang ng part-time job para makatulong sa tuition ko. Pwede mo ba akong tulungan mag-apply sa tatay mo?"

"Ay sorry at nagmamadali ako, may lakad kasi ako, eh. Kausapin mo nalang si tatay dahil urgent at ikaw pa ang unang applicant, malay mo... Sige." At nagmamadali siyang umalis.

Ford was hired as a temporary taxi driver on that day. Hindi siya pumasok sa school. May pera naman siya pero gusto niyang mapalapit kay Brooke. Nang kumita na siya ng tama lang sa pangrenta niya sa taxi ay huminto na agad siya at aabangan niya ang pag-uwi ni Brooke.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now