CHAPTER 18

6 0 0
                                    

Ford called Brooke that night dahil nami-miss na niya ito. He kept asking kung kelan sila magkikita ng anak nila. Napansin niya na parang iba ang boses ni Brooke.

"Hey, are you crying?" Pag-alala ni Ford. "Is anything wrong?"

"Wala, may sipon lang." She lied.

"Gusto mo samahan kita sa doctor bukas?" Offer ni Ford.

"No, hindi na kailangan. Mawawala rin 'to. Sipon lang naman... Gabriel anak, come here. May gustong kumausap sa 'yo." Tinawag niya bigla si Gab at nagulat si Ford. "I have a good friend na gusto kang makilala dahil mabait ka raw na anak, totoo ba, anak?" Nakikinig lang si Ford sa kanila sa kabilang line.

"Of course mommy, mabait naman talaga ako." Sabi ng seven years old na bata.

"Mabait naman din itong friend ko, kaya tawagin mo siyang daddy at gusto ka niyang makausap." Binigay ni Brooke ang phone kay Gab at first time nilang nag-uusap dalawa.

Ford was so very happy to hear his son for the first time. Hindi niya maiwasang umiyak sa tuwa. Matagal silang nag-usap at nang magsawa ang bata ay binigay ang phone sa mommy niya at maglalaro pa raw ito ng favorite toy na bigay ng daddy niya.

"Alam mo bang I can't explain the happiness I felt right now? Ang sarap pala niyang kausap." Masayang sabi ni Ford. "I can't wait na mayakap siya at mahagkan ko."

"Dahan-dahan lang muna okay? Para hindi siya masyadong mabigla, pati na rin mga magulang ko." Sabi ni Brooke. "Ano bang pinag-usapan niyo?"

"Alam mo bang he asked me, can you be my daddy? Sabi ko of course! I'm super happy to hear it from him mismo. I'm super happy, Brooke. Really. Thanks a lot, talaga." Sabi ni Ford.

At nagpaalam na sila dahil gusto na ni Brooke magpahinga dahil masyadong malungkot ang araw na iyon para sa kanya. Hindi agad siya nakatulog dahil bumabalik-balik pa rin sa isip na ang nangyari kanina. Galit na galit talaga siya kay Angelo at hindi niya ito mapapatawad. Nasasaktan siya dahil pinaghihintay lang siya sa wala. Umaasa pa naman siya na magpakasal na sila pagbalik ni Angelo pero hindi na ito mangyayari.

The next day ay umalis si Brooke para maghanap na ng work dahil gusto niyang mawala sa isip si Angelo. She tried to keep herself busy. Namamasyal siyang mag-isa sa mall at nagshopping ng konti dahil natanggap na niya ang last pay niya sa work niya. She thought it was so tempting to shop dahil may malaki siyang pera na binigay ni Ford pero may pride siya at hinding-hindi niya ito gagamitin. She will save it for Gab's future nalang.

Nagkita sila ni Jannah dahil free na ito. They had dinner and she told her the truth. Matagal silang nagkwentuhan. She went home late at sinabi agad ng nanay niya na may lagnat si Gab. Mataas ang lagnat ng bata and she started to panic. Noong isang araw pa raw napansin ng nanay niya na mainit ang bata pero nawawala naman kapag nakainom ng gamot.

Brooke was so worried dahil first time ni Gab na magka-fever ng mataas. Almost midnight na at hindi pa rin siya mapakali dahil pataas ng pataas ang fever ng bata. Pinupunasan naman niya palagi kaya hindi siya makatulog. Madaling araw na at hindi pa rin bumababa ang lagnat ni Gab at natataranta na si Brooke.

"Nay, dalhin na po natin si Gab sa hospital!" Umiiyak na sabi ni Brooke. Nagmamadali siyang nag-impake ng mga gamit ni Gab at nagbihis agad para makaalis agad papuntang hospital.

Ginising ng nanay niya ang tatay niya para mag-drive sa taxi nila at hinatid agad sila sa hospital. Gab was immediately rushed to the emergency room dahil namumutla na ang bata. The doctors immediately did some lab tests and prescribed some medications. Suspected Dengue dahil may rashes sa tiyan ng bata na hindi man lang napansin ni Brooke kanina pa.

When the lab test results came out ay Dengue nga. Marami kasing lamok doon sa talyer nila. They needed at least one bag of blood for transfusion agad. Mahirap pa naman makakuha ng blood type ni Gab dahil type AB+ siya at wala namang type AB+ sa family nila. Naalala niya si Ford. Nagulat ito nang tinawagan niya at three in the morning.

"Hey, is anything wrong?" Nagulat si Ford at nag-alala.

"Ford, si Gab. Kailangan ka niya this time." Naiiyak na sabi ni Brooke.

"Bakit? Anong nangyari? Nasaan kayo?" Nag-alala na siya at hindi mapakali.

"Type AB+ ka ba? Kailangan niya ng blood transfusion agad. Lahat kasi kami dito type O, eh." Umiiyak pa rin siya habang nagsasalita.

"Yeah type AB+ ako at ang daddy. Saang hospital ba kayo at pupunta na ako diyan?" Nagmamadali siyang nagbihis at umalis agad.

BECAUSE OF YOUWhere stories live. Discover now