Who's to Blame?

224 8 1
                                    

Calli's POV

"Dad? Mommy? Dinner na po." Kumatok ako sa kwarto nila at pagkatapos ng ilang segundo, binuksan ito ni dad.

"Uhmm, Calli, hindi muna ako kakain." Sabi niya.

"May problema po ba? Si mommy po?"

"Natutulog. Mamaya nalang kami ha." Tumango lang ako at tumalikod na para bumaba sa hagdan at narinig kong sinara na ni dad 'yung pinto pero lumingon ulit ako doon. Anong problema?

"Oh? Nasaan ang mommy at dad mo?" Tanong ni lola pagbaba ko sa kusina.

"Hindi daw po sasabay kumain. Mamaya nalang daw po." Sagot ko. Nakakalungkot kumain na kami lang nila lola.

Tapos na kaming kumain at nandito ako sa kwarto at hinihintay ko na pumasok dito sila mommy para mag goodnight tulad ng lagi nilang ginagawa. Pero mag aalas dyes na ng gabi at wala pa rin.

~~~~

Ilang araw na ang lumipas and parang ang weird na simula noong umuwi si dad at mommy mula sa lakad nila. Hindi ko maintindihan kung nag-away ba sila o ano. Hindi na kami sabay sabay kumain at isa o dalawang beses sa isang araw ko lang nakikita si mommy na lumalabas ng kwarto niya.

Mag-aakyat ako ng pagkain sa room ni mommy kasi hindi siya nagbreakfast at lunch kaya dadalhan ko ng late lunch.

Kumatok muna ako bago pumasok. Nakatanaw lang sa bintana si mommy at parang ang lalim ng iniisip.

"Mmy, kain ka po muna. Hindi ka kumain kanina eh." Sabi ko pagkalapag ng tray sa table.

"Ibaba mo nalang 'yan. I'm not hungry."

"Pero mmy."

"I said I'm not hungry!" Nagulat ako dahil medyo tumaas ang boses niya. "Please. Sorry." Dugtong niya at hindi pa rin humaharap sa akin.

"Sige po." Mahina kong sagot tsaka ko dinala sa baba 'yung tray ng pagkain.

Ang lungkot ng bahay. Ang lungkot ko. Bakit nagkakaganito kami? Hindi naman kami ganito dati ah.

~~~~~~

"La, bakit gano'n? Anong nangyayari kila mommy at dad?" Tanong ko kay lola. Nandito kami sa dining room dahil gusto ko nang makakausap.

"Intindihin mo nalang muna ang mga magulang mo. Baka may problema sila at ayaw nalang nila na mag-isip ka masyado." Sabi ni lola. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakasandal ako sa kaniya.

"La, ako po ba 'yung dahilan ng lahat ng 'to? Ako po ba ang may kasalanan?"

"Ay nako. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Mahal na mahal ka ng mommy at dad mo. Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Kasi, nagkagulo gulo lang naman po ang lahat noong nakilala nila ako noon eh. Parang pakiramdam ko, may kasalanan ako sa mga nangyayari ngayon sa kanilang dalawa, kahit hindi nila sabihin. Baka pabigat na po ako sa kanila."

Amara's POV

Nakalingon lang ako sa pinto after Calli went out of my room. What did I do? Nasigawan ko si Calli. Amara naman.

Bumaba ako sa dining para sundan si Calli but before I could enter, I heard her conversation with manang. Sumilip lang ako ng kaunti to hear it better.

"La, ako po ba 'yung dahilan ng lahat ng 'to? Ako po ba ang may kasalanan?"

"Ay nako. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Mahal na mahal ka ng mommy at dad mo. Bakit mo naman naisip 'yan?" I smiled at what manang said. She really loves Calli and is good at comforting her.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now