Fresh Air

137 10 5
                                    

Calli's POV

So eto, limang araw na kaming nakastay ni mommy sa hotel. Nakakaworry lang kasi hindi sila nag-uusap ni dad.

At etong mommy at dad ko, ako ang ginagawang messenger! Ang galing diba?

Tinext ako ni dad kagabi at sinabing aalis daw kami. Bibisita daw kami sa farm resthouse nila? Hindi ko sure. Nagbibihis na nga ako kasi papunta na daw siya. Si mommy, ayaw sumama. Malamang, magkaaway sila eh. Pero baka mapilit ko hehehehe.

"Mommy..." Pilit akong sumisiksik sa tabi niya. Busy siya sa cellphone eh.

"Oh?"

"Sama ka na. Pleaseeeeee." Puppy eyes, gumana ka na bilissss.

"Sorry. Kayo nalang. Ayoko talaga." Agad naman akong napasimangot. Mag-isa lang naman siya dito sa hotel, wala siyang kausap. Nubayan. Napakamot nalang ako sa ulo pagkatapos ay tumayo na ako.

Bakit ba ang complicated ng mga magulang ko? Joke. Hahahaha.

Narinig kong may nagdoorbell kaya pumunta na ako sa pinto at binuksan yon. Si dad na pala.

"Change your shirt." Sabi niya. Huh? Anong masama sa suot ko?

"Bakit po?" Tanong ko sa kaniya.

"Basta. Eto ang isuot mo." Inabot niya sa akin yung white shirt na hawak niya.

"Eto, isuot mo. Itong isa, iwan mo sa bed ng mommy mo." Huh?????? Ang gulo ah. Pero sundin nalang natin si father dear.

Pumasok na ako sa loob at iniwan ko sa bed ni mommy yung isang tshirt. Napatingin siya doon tapos binalewala niya lang. Then pumasok ako sa CR at nagpalit ng damit.

Okay ah! Ang ganda nitong shirt. Hahahaha. Uy! Napansin kong may nakasulat sa likod kasi napatingin ako sa salamin.

'Little Girl'

Cuteee!!!! Hahahaha. Color purple pa yung kulay ng letters. Lumabas na ako and nakangiti si dad pagkakita sa akin.

"Yan. Better. Magpaalam ka na sa mommy mo." He said kaya pumunta ako kay mommy at nagbeso.

"Tawag lang po kayo kapag may problema ah." Sabi ko.

"Sure. Ingat kayo! Enjoy." Yiieee 'kayo' daw. Hahahhahahhaha.

Kinuha ko na yung phone ko and wallet at lumabas na ako.

"Ayaw talagang sumama ng mommy mo?" Tanong ni dad habang naglalakad kami sa hallway.

"Ayaw po eh. Nung isang araw ko pa po pinipilit." Pinindot ni dad yung elevator button at bumaba kami sa basement kung saan yata nakapark yung kotse niya.

~~~~

"Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko habang tamang foodtrip lang ako dito sa tabi ni dad. Hahaha siya yung nagdadrive tapos dito ako nakaupo sa usual na upuan ni mommy.

"Sa farm namin. Actually, it used to be a private farm. Private pa rin naman siya pero pwede kang magbook ng visit or events. Hindi lang siya yung talagang open sa public." Sabi niya habang nakafocus sa kalsada. Tumatango lang ako and tuloy tuloy lang sa pagkain ng isang tupperware ng barbeque fries dito. Hahaha.

"Hindi ba ako nababanggit sayo ng mommy mo?" Tanong niya.

"Yieeeee. Si dad. Hahahaha. Hindi po eh. Lagi siyang lumiliko ng topic. Hahaha. Umiiwas." Sagot ko.

"Patience lang dad! Malay mo, next month magkaayos na kayo!" Biro ko kaya natawa siya.

~~~~~

Medyo mahaba din yung byahe. Pero here we are! Papasok na kami sa farm! Hahahaha. Naeexcite ako. Nagwhite cap and sunglasses pa ako para dito.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now