Confession

192 5 0
                                    

Amara's POV

It's been days later and we're going to Sam right now. Mabuti nga at pinayagan ako ni Alex na kausapin siya. She's already home after niyang ma detain. Ang lawyer ni Alex ang nag-aayos ng lahat ito and I just want to finish this once and for all.

I pressed the doorbell and Wilson opened the gate.

"Wilson, nandito ba si Sam?" I asked.

"Yes. She's here. Come inside." Pinapasok niya kaming dalawa ni Alex. We already told him na kakausapin namin si Sam before today.

Pagpasok namin sa sala, Sam is going down the stairs at napatingin sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?" She asked with a bored tone when she finally reached living room.

"Uhmm. Gusto lang kitang makausap." Panimula ko. Tinatamad niya akong tinignan at nagpapalit palit ng tingin sa amin ni Alex.

"Sam. Please." Wilson said.

Umupo kami ni Alex at umupo sa tapat namin si Sam.

"You both know you're just wasting my time." Sabi niya.

"Look Sam, we can talk peacefully. Walang gulo na kailangang mangyari if you just answer my questions." I said to her.

Sumandal siya sa chair and she crossed her arms. "Ok fine. Ano bang itatanong mo?" Sarkastiko niyang tanong.

"Bakit mo ginawa 'yun? Bakit...bakit mo sinaktan si Calli? I know you hate me pero bakit hindi nalang ako ang sinaktan mo? Bakit 'yung anak ko pa?"

"Tss. Hanggang ngayon ba naman issue pa rin sa inyo 'yan?"

"Sagutin mo nalang."

"Hindi ko nga sinasadya. Mabilis akong maubusan ng pasensya and its because of your daughter. Okay na ba 'yun?" Napapikit nalang ako at nagtimpi sa sagot niya.

"Bakit hindi mo pineke ang DNA test results ni Calli at Alex? Does it mean na alam mong magtatay sila? Did you know it all along?" Sunod kong tanong. Gusto kong malaman lahat ng sagot sa mga tanong ko ngayon sa isipan ko.

"You really wanna know?" Mapang asar niyang tanong then she leaned forward.

"Oo. I want to know kung may kinalaman ka sa nangyari kay Isabella." Madiin kong sabi.

"It was all part of my plan." She said then laughed.

"All I want is a good answer, Sam. And your answer didn't satisfied me." I looked directly to her eyes. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay kanina pa siya nakahandusay dito.

"Ano pa bang gusto mo? Totoo nga ang sinabi ko. Kung ayaw mong maniwala, makakaalis na kayo." sagot niya at tinignan kami parehas ni Alex.

"Bibilang ako ng tatlo. Kung hindi ka pa aamin, tatawag ako ng pulis." kalmadong ani Alex habang nakatingin sa sahig. I can feel his anger by only looking at his eyes.

"Call them, then. Pero--"

"Sam, sabihin mo na," napalingon ako kay Wilson nang magsalita siya. "Kung hindi mo pa sasabihin ay ako na mismo ang--"

"Ano bang sinasabi mo Wilson? Don't make this situation worse." irap ni Sam.

"Anong sasabihin mo Wilson?" tanong ni Alex.

"Uh, Alex, it's nothing. Don't mind him." agarang sagot ni Sam.

Hindi siya tinapunan ni Alex ng kahit simpleng tingin. Nanatili ang titig niya kay Wilson na tila nag-aabang na lang ng hudyat na sabihin ang gusto niya.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon