O.S.S.B.S.F.A.

199 8 0
                                    

Calli's POV



It's been a week. As usual, laging nandito si sir Alex and lagi kaming magkakasabay kapag papasok ako sa school. Taray nung ring na binigay ni sir Alex kay mommy ah. In fairness, may pa ganun. Hahahaha.

Linggo ngayon and nagyaya si sir Alex na maglunch kami dito sa bahay. So darating mamaya sila Tita Ria, of course. Tapos si ate Tarra. Ayun. Pag uusapan yata namin yung surprise birthday para kay mommy.

"Hello everybody!!" Natawa ako kasi narinig ko na si Tita Ria. Nandyan na sila. Hahahaha.

"Hi po tita." Bati ko.

"Hi Calli. Nasan si Amara?" Kasunod niya si ate Erissa and sir Lester.

"Nasa kwarto pa po yata." Umupo muna sila sa sofa habang naghihintay.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagkukwentuhan lang kami habang hinihintay si mommy.

"So hatid sundo kayo ni Alex?" Tanong sa akin ni tita Ria.

"Opo. Araw araw. Hahaha."

"I'm so kiliggggg. Grabe." Kanina pa ganyan yung sinasabi ni ate Erissa eh. Tapos bigla akong hahampasin sa braso. Kilig masyado?

Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin, nakita namin na pababa ng hagdan si mommy kaya tumayo si tita Ria para salubungin siya.

"Good morning girl!" Bati ni Tita Ria sa kaniya. Tumango naman si mommy. Parang ang weird niya ngayon.

"Bakit ang putla mo? Anyare sayo?" Tanong ni tita. Yun nga din napansin ko eh.

"Wala. Hindi lang ako nakapagblush." Sabi niya. Umupo naman siya at nakipagkwentuhan. Baka pagod lang. Lagi kasi siyang puyat kasi may tinatapos sila ni ate Tarra na kailangan daw sa opisina eh.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

It's lunch time! Kakain na kaming lahat, katabi ko si ate Erissa and si mommy. Dito kami sa garden kumakain. Nandito din sila lola tsaka sila ate Vera.

Nagsimula na kaming kumain at lahat ay may kanya kanyang kwentuhan. Ang tamlay talaga ni mommy ngayon. Katabi niya si sir Alex eh. Tapos nilalagyan yung pinggan niya pero tumatanggi siya. Si tita Ria naman napapansin din niya pero hindi nalang siya nagsasalita.

"Eto? Gusto mo?" Tinatanong ni sir Alex si mommy kasi hindi pa siya kumakain.

"No. Ayoko." Yun lang sagot niya. Nagkakatinginan tuloy kaming nasa table.

Nagulat kami nung bigla siyang nagtakip ng bibig tapos parang nasusuka. Basta ganun yung naririnig ko, tapos biglang tumakbo papasok sa bahay.

"Ano yun? Uy Alex! Anong nangyayari dun?" Tanong ni tita Ria.

"I don't know. Teka. Check ko lang siya." Umalis muna si sir Alex para sundan siya.

Amara's POV

Tinatanggihan ko lang yung sineserve ni Alex sa pinggan ko kasi wala talaga ko sa mood na kumain. Kanina pa nga ako nahihilo eh.

"Eto? Gusto mo?" Tanong niya.

"No. Ayoko." Yun ang sagot ko sa lahat ng inooffer niya sa plate ko.


Yan na naman. I immediately covered my mouth with my hand then i ran straight to the bathroom.

*acckkkkk*

After a few seconds, biglang sumunod si Alex. Hinawakan niya yung buhok ko para hindi nakaharang.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon