Nightmare

241 7 2
                                    

Amara's POV

Habang tumutulong ako sa pagpeprepare ng dinner, someone rang the doorbell. Nagpunas muna ako ng kamay bago lumabas.

"Thank you sa pagpunta ah." I heard Calli's friend say. That must be Tori?

"Thank you rin sa pag-invite!" Calli exclaimed. Lumabas na ako at napansin nila ako agad.

"Hi po tita! Thank you po for allowing Calli to come with us." Sabi ni Tori sa akin.

"Sure. Anytime. Happy birthday pala!" Bati ko sa kaniya.

"Ay thank you po. Hehehe."

"Hello po tita." Bati ni Drake na katabi ni Tori. Hmmm. Hahaha. Nagbeso siya sa akin at bumalik sa kinatatayuan niya.

"Hi Drake. Kamusta na?" Makahulugan kong tanong sa kaniya.

"Okay lang naman po. How's tito Alex po?" Nagpapalakas na itong batang 'to ah. Hahaha.

"He's fine. Nasa loob siya. Do you want me to call him?" I asked and he immediately waved his hand in front of him as an indication na ayaw niya.

"Huwag na po. Baka po busy." He said na tinanguan ko lang.

"Sige po, we have to go home na rin. Bye Calli!" Tori said.

"Bye Calli! Take care always. Bye din po tita." Sabi ni Drake.

"Ingat kayo!" Sabay na sabi namin ni Calli while waving at them.

"Did you enjoy?" Tanong ko kay Calli pagpasok namin. She's carrying a shopping bag at mukhang may binili.

"Opo. Sobra. Ay, naka 1000 pesos po yata ako? Binili ko pa po kasi ng regalo si Tori and may binili lang po akong art supplies. Hehehe." Nahihiya niyang sabi kaya natawa ako.

"That's okay. That's your allowance naman. Just like what i've said, use it wisely." Paalala ko sa kaniya.

"Ito po oh, uhmmm. Sketch pad, mini canvas and mga acrylic paint." Pinakita niya sa akin 'yung laman ng shopping bag na dala niya.

"Atleast you're happy with your purchase and that's good. Magbihis ka na ng pambahay para makakakain na tayo ng dinner." Sabi ko sa kaniya and tumango siya at umakyat sa kwarto niya. I went to the kitchen and mukhang tapos naman na magluto. Nakahain na rin sa table 'yung food.

"Dad, pakigawa ako ng mango shake please." I requested. Nagccrave ako ng mango shake eh.

"Sure. Umupo ka na dyan." He said.

~~~~

~~2 days later~~

Alex's POV

Kakatapos lang namin maglunch and pumunta na sa room ni Calli si Amara. Nandito na 'yung psychiatrist na tinawagan ko para kausapin si Calli. May itatanong lang kami about kay Sam. Sinabi ko na kay Calli na may kakausap sa kaniya para ready siya.

I knocked on Calli's door and it took a few seconds bago niya ito binuksan.

"Dad? Bakit po?" Tanong niya pagkakita sa akin.

"Nandito na 'yung kakausap sayo." I said.

"Sige po." Pinapasok niya kami at umupo sila sa couch dito. Katabi niya si Amara at sa katapat naman na upuan ay ang doktor. Nakatayo lang ako at nakasandal sa pader.

"Hi Calli. I'm Doc. Lindsay. I'm here to talk to you about something. And also to help you." Nakipagshake hands naman si Calli sa kaniya.

"Hello po."

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now