After the Party

177 7 2
                                    

Amara's POV

Umuwi na sila Luna and Corrine. Bumalik na ako sa garden at nakitang naglalaro pa rin sila Calli. Yung iba naman nagpipicture. Ngayon nalang ulit ako nakakita ng ganitong eksena. Pure happiness. For the first time in a long time, nagkaingay ulit dito sa bahay.

"Huyyy. Ang saya saya ng party tapos nandyan ka sa sulok?" Inabutan ako ni Ria ng juice at tumabi sa akin dito sa 'sulok'. Hahaha.

"Wala lang. I just realized something."

"Okay." Maya maya pa, bigla kaming natalsikan ng tubig habang nagkukwentuhan dahil may tumalon sa pool.

"Ayan na. Start na ang pool party hahaha." Sabi ni Ria habang nakatingin kami sa pool. Si Erissa pala yung tumalon.

"Wait aahon ako. Patulong." Narinig namin na sabi ni Erissa kay Calli. Bigla naman hinila si Calli kaya pareho na silang nasa pool. Hahaha.


"Hindi pa ako nagpapalit ng damit ehhhh." Calli said nang maiahon niya yung ulo niya.

"Wala nang palit palit ng damittttt. Hahahaha." Nagsitalunan na yung iba at kami naman ay nagstay lang dito.


"Ehem. May papalapit." Sabi ni Ria sabay talikod. Tumingin naman ako sa tinutukoy niya at nakitang papalapit sa amin si Alex.


"Oh? Bakit hindi ka sumali dun?" Tanong ko.


"Wala akong dalang pampalit. Malay ko ba na pool party ito." Sagot niya.

"Sus. Parang first time mo pumunta sa bahay ni Amara ah. Di alam na may pool?" Pambibirong tanong ni Ria. Alex and I both looked at her para tumigil.


"Sungit niyo. Dyan na nga kayo." Sabi ni Ria sabay lakad palayo.


"Mam! Bakit di po kayo sumali dun?" Tanong ni Calli pagkaahon sa pool.

"Maybe later." Sagot ko. Then i saw a playful smile on her face. Anong pinaplano ng batang ito?

"Ay sir! Sali po kayo dun. May damit na pampalit pa naman po kayo sa loob." Sabi niya sabay tawa ng nakakaloko. Napabaling na lang ako sa kabilang side at napahampas sa noo. Calliiiii. Bakitt???? Baketttt???

"Ahhh. Sige. Salamat." Sagot ni Alex tapos tumingin sa akin.

"What? Sayang naman kung itatapon yung mga damit mo. Aba mamahalin din yung mga yun ah." Katwiran ko.

"I know. Diba nga natulog ako dito nung hinatid ki--" I covered his mouth dahil napakadaldallll!!!

"Oo na. Sige na. Kunin mo na dun sa guestroom." Tapos ay tinulak ko na siya palayo. Kakastress.

Alex's POV

Hahahaha. You guys should've seen the look on Amara's face. Asar na asar.

I'm now going to the guestroom to get changed habang nagkakasiyahan sila sa garden. Pagdating ko sa guestroom, i opened the closet to look for clothes.

"Really Amara? Really?" I told myself habang nakatingin sa lamanng closet. Paano ba naman, eh halos lahat ng iniwan kong damit, nandito pa rin. Nageeffort pa siya na palabhan dahil amoy detergent. Hahaha.

Calli's POV

Nagtatawanan kami dito nila mam Ria at ate Erissa habang nasa pool. May plano kasi kami. Operation ibalik ang happy ending ni Mam Amara at Sir Alex. Bwahahahaha. Nagkakasundo kaming tatlo eh. Hahaha.

"Huwag mo na akong tawaging 'mam'. Masyadong formal. Tita nalang." Sabi ni mam, i mean Tita Ria.

"Sige po. Hehehe."

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon