Just Calli and Mommy

204 7 0
                                    

Calli's POV

"Ateeeee, patingin!" Kinukulit ko ngayon si ate Erissa habang nandoon sila mommy sa kusina at nagkukwentuhan.

"Shhhh. Oo na. Baka pagalitan tayo nila tito at tita. Basta quiet ah." Sabi niya sabay abot sa akin ng phone niya.

"Sino ito? Si Drake?" Tanong ko na medyo napalakas kaya agad na tinakpan ni ate Erissa ang bibig ko.

"Basahin mo nalang sa isip." Sabi niya. Okayyyy.

Chat nilang dalawa ni Drake. Ewan ko ba at bakit ayaw ni ate Erissa na iparinig kila mommy at dad. Kanina pa nga kami halos magbugbugan para lang ipakita niya sa akin 'yung chat na 'yun eh.

Drake: Eh kasi, there's this girl that I like.

Erissa:oh? Eh bakit hindi mo sabihin?

Drake: Baka magalit 'yung parents niya.

Drake: And gusto ko, graduate na kami ng college before all of that.

Erissa: Yieeee. Apakabait na bata. Sino ba yan? Ichicka mo na.

Drake: No. Baka sabihin mo pa eh.

Erissa: Oooooo. So kilala ko?

Drake: Nvm.

Drake is now offline...

Binalik ko na kay ate Erissa 'yung phone niya with a confused face. Bakit ayaw pa niyang ipabasa sa akin 'yung chat eh gano'n lang naman pala.

"Anong meron dyan ate?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Duhhh. Hallerr???? It's obvious na he's talking about you!" Sabi niya.

"Huh??? Wala naman siyang binanggit na pangalan, ni characteristics or ugali nung babae eh." Sabi ko. Totoo naman diba? Walang binanggit.

"Hay nako. Bata ka pa nga." Sabi niya. Yes, bata pa ako. And hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ni ate Erissa na ako ang tinutukoy ni Drake?

"Girls, let's go na." Yaya ni mommy sa amin. Pahapon na rin eh and sa condo daw ni dad kami didiretso.

"Ay! Okay po." Tumayo na kami ni ate Erissa mula sa sofa.

"Babalik ulit kayo ah! Mag-iingat!" Sabi ni manang Flor. Nagbeso kami sa kaniya bago lumabas ng bahay.

"Ingat din po!" Sabi namin.

"Mmy, pwede po ba magsleepover si ate Erissa sa condo?" Tanong ko kay mommy. Medyo nauuna sa amin na maglakad sila tita kaya hindi nila naririnig ang usapan namin.

"Sure. Tell your tita Ria first." Sabi niya. Kaya tumakbo ako papunta kila tita.

"Tita, pwede po ba na matulog sa condo si ate Erissa?? Pleaseeee!!" Sabi ko habang nakakapit sa braso ni tita.

"Hahahaha. Sure! Gora!" Naexcite naman kami ni ate Erissa at nagtatatalon.

"Nasa trunk 'yung extra clothes mo. Kunin mo muna doon." Sabi ni tita kay ate kaya dumiretso sila sa kotse nila habang papunta kami sa kotse namin.

"Kayo lang muna magsstay sa condo ah." Sabi ni dad habang pabalik kami sa kotse.

"Bakit po?" Tanong ko. Sumakay muna kami sa kotse and syempre, as always, nasa backseat ako.

"I just have to take care of some matters. Pero mabilis lang naman 'yun." Sagot niya habang nagsusuot ng seatbelt.

"Kailan ka po pupunta sa condo?" Tanong ko. Sorry, makulit talaga akong nilalang.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon