Late

140 4 0
                                    

Amara's POV

It's Thursday morning already. Ngayon ang alis namin papuntang Boracay. Nakapagayos na ako ng mga dadalhin ko at chinecheck ko nalang yung mga bag ko.

Hmmm. Mukhang okay naman na. Bumaba na ako sa sala and nandun na si Ria.

"Halika na! Excited na ako." Nagmamadali?

Nakapagbilin naman na ako kila manang dito.

"Ingat po kayo!" Calli said habang kumakaway sa amin. I just smiled at her and pumasok na ako sa van.

"Hindi ka masyadong excited Ria ah." Nakahat na kasi siya tapos nakashades.

"Hindi naman. Hahaha. Let's go!"

~~~~~~~~~~~~~

Nakahinto kami dito sa parking ng building ni Alexander. Siya nalang kasi ang hinihintay.

"Sasama ba yun? Anong oras na ah. Baka malate tayo sa flight." Kanina pa kasi kami nandito.

"Excited ka rin eh. Excited na makita siya. Yieeee." Hinila ko nalang pababa yung hat niya kaya tumakip sa mukha niya.

"Ito naman. Nagbibiro lang. Ano ba kasing sabi ni Alex, Lester?" Tanong ni Ria.

"Wala pa ngang reply eh." Lester said kaya sumandal nalang ako at tumingin sa phone ko.

"Eto na. Nagreply na. Mauna na daw tayo dun. May appointment daw siya. Hahabol na lang daw." Pinakita niya sa akin yung cellphone niya kung nasan yung message ni Alexander.

From: Asawa ni Amara

Sorry Ria, hahabol na lang ako. Mauna na kayo dun. I have an appointment pero after nito susunod na rin ako. Pakisabi nalang kay Amara. Thanks.

"Pakisabi nalang kay Amara. Parang ikaw lang ang kasama niya magbakasyon ah." Hindi ako dun nafocus eh. Nafocus ako dun sa nickname ni Alexander sa contacts ni Ria.

"Anong trip mo?" Napataas naman ang kilay niya at napatingin sa cellphone. Nagets naman niya agad yung tinutukoy ko.

"Cellphone ko ito eh. Gusto mo lagyan mo rin ng nickname si Alex sa contacts mo pero wag mo pakialaman yung pangalan niya sa contacts ko. Hahahaha." Jusko po. Four days straight ko makakasama itong babaeng ito. Kamusta kaya ako?

Dumiretso na kami sa airport and I'm now sitting here beside the window. Yung dalawang mag-asawa naman, nasa kabilang side ko lang.

"Ok lang yan Amara. Pag pauwi naman na, may masasandalan ka na pag tulog mo kahit wala pang isang oras ang biyahe. Hahaha." Nag HA HA nalang ako sa kanya at tumingin sa bintana.

~~~~~~~~~~~~~~~

After almost an hour, we're here! Paglabas namin ng airport, we went to the docks para sumakay ng boat which will take us to the island and nandun na yung van na sasakyan namin papunta sa hotel na pagsstayan naming apat.

Bad mood ako ok? Paano pa naging bakasyon ng magkakaibigan kung sa biyahe pa lang, may isang nagpahuli.

"Huy. Nandito na tayo." Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng hotel. Nakatingin kasi ako sa bintana.

Kinausap ni Lester yung nasa front desk tapos ay humarap na siya sa amin.

"So Amara, kayo ni Alex ang magkasama ah." Whatttt??????

"Noooo. Nag usap na kami kagabi ni Ria. Kami ang magsheshare ng room. Akin na nga yan." Kinuha ko na sa kanya yung room card at hinila si Ria.

"Sensya na ah. Dalaga pa kasi itong kasama ko." Sabi ni Ria habang hinihila ko siya papunta sa elevator.


Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now