Suspicious

196 8 0
                                    

Amara's POV

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa balcony sliding door. Wala sa tabi ko si Alex so probably baka nagpeprepare na 'yun para pumasok sa office. Papasok rin ako sa office so tumayo na ako and inayos ang bed. I tied my hair up at lumabas na ng kwarto.

"Ganito dad?" I heard Calli while I'm outside the kitchen door.

"Yan. Be careful sa knife ah." Sabi ni Alex. I entered the kitchen and napatingin sila sa akin.

"Gising ka na pala. Good morning." Bati ni Alex. Calli greeted me with a kiss on the cheek paglapit ko sa kaniya. Naghihiwa siya ng ingredients para sa niluluto ni Alex.

"How can i help?" Tanong ko habang tinitignan ang mga ginagawa nila.

"No need. Upo ka nalang." He said kaya umupo nalang ako sa bar stool habang pinapanood sila. I took a picture of them without them knowing. Ang cute nilang dalawa eh.

~~~~

We finished eating breakfast and paakyat palang ako sa room dahil nagpahangin ako sa garden. Pagpasok ko, nakabihis na si Alex and he's just fixing the collar of his long sleeve polo.

"Hindi mo naman ako tinawag. Hihintayin mo pa tuloy ako na magprepare." I told him habang kumukuha ako ng damit. Hinila naman niya yung kamay ko at pinaupo ako sa bed habang nakatayo siya sa harapan ko.

"You're staying at home mula ngayon." He said kaya kumunot ang noo ko.

"Huh? Bakit naman? Kaya ko pa ah."

"We talked about this remember? Kapag 5 months na yan, hindi ka na papasok sa office." Sabi niya kaya nagpout nalang ako. Wala naman akong laban sa pagiging caring niya sa akin.

"I understand naman but, anong gagawin ko dito sa bahay?"

"Bond with Calli. Do fun things. Practice baking. Marami kang pwedeng gawin. Sa office naman, puro stress lang doon. It's better if you stay here sa bahay." He held both sides of my face and lifted it to face him.

"Sige na. Huwag nang makulit. Okay? Maaga naman na akong umuuwi eh."

"Hmmphh. As if naman na ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok sa office." Sorry, masungit talaga ako minsan. Or lagi.

"Hahaha. So ano? Okay na?" Tanong niya kaya tumango lang ako as my answer. May magagawa pa ba ako??

"Sige, i have to go na. Text me kung may problema ha." He gave me a kiss before leaving.

"Ingat ka. I love you!"

"I love you too. Ingat din kayo dito. See you later." He said then lumabas na siya ng kwarto.

~~~~~~~~

Calli's POV

"Calli." Napalingon ako sa pinto kasi nag-aayos ako ng mga book na binabasa ko kagabi. Dadalhin ko palang sa library kaya lang tinawag ako ni dad.

"I'll go to work na." Sabi niya kaya lumapit na ako at nagbeso habang dala dala ko itong patong patong na mga libro. "Read all those. Maganda yan." Sabi ni dad na tinawanan ko lang.

"Sige po hahaha. Ingat!" Tumango lang siya at sinara na ang pinto ng kwarto ko.

Dinala ko na dito sa mini library yung mga books at inayos sa shelves. Nagpapaantok kasi ako kagabi kaya naisipan kong magbasa ng books.

Eh naka ilan akong libro dahil hindi pa ako inaantok. Huwag niyong sabihin kay mommy na alas dos na ng umaga ako natulog ah. Hahahaha.

Ang sarap kasi magbasa ng books eh. Lalo na kapag tahimik na and ilaw nalang mula sa mini chandelier ang ilaw ng kwarto ko. Kaya nakatulugan ko na magbasa kagabi, and that explains kung bakit nakapaligid sa akin yung mga libro habang natutulog ako. Hehehe.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now