Crush

174 8 0
                                    

Alex's POV

We're done eating dinner kanina pa and nandito na kami sa car heading home. Calli is sleeping sa backseat as always.

"Nagselos ka kanina?" I asked Amara. I'm just teasing her. Kasi halatang halata masyado ang asawa ko kanina sa harap nu'ng saleslady.

"Huh? Saan? Kailan?" She asked na animo'y walang ideya sa tinatanong ko.

"Baby cribs section? Does that ring a bell?" Natatawa kong tanong and her eyebrows met.

"Sa saleslady? Hindi 'no." Sagot niya then she crossed her arms.

"Talaga? Eh kitang kita ko 'yung mata mo kanina eh." I said kaya tumingin siya sa akin.

"Excuse me. Why would I get jealous over that girl?" Tanong niya while looking straight at the road.

"Amara, kilala kita mula ulo hanggang paa. You hate it kapag may nagpapapansin sa akin. Am I right?" Tumingin ako sa kaniya ng saglit at bumaling na ulit ako sa kalsada. I remember kasi noong nagkita kami sa restaurant ng dati kong client and friend na si Liane, selos na selos si Amara kahit hindi pa kami ulit nu'n. She even introduced herself as my wife that time at hinila ako palabas ng restaurant. Hahaha.

"Okay fine! Masisisi mo ba ako? Eh may patingin tingin sayo tapos may kagat labi pa. Nakita na niyang namimili ng gamit ng baby kasama 'yung asawa tas nagpapapansin. Sa tingin mo hindi ako maiinis?"

I chuckled because of what she said. See? That's why I wrapped my arm around her kanina sa harap nung babae para hindi na magselos itong selosa kong asawa.

"Eh kahit ano namang gawin niya, anong laban niya sa asawa ko? Alam mo naman na ayaw ko sa mga gano'ng girls." I said. Napansin ko sa peripheral ko na ngumiti siya ng pasimple but she wore a frown again para hindi ko mahalata na ngumiti siya.

"Ito lang naman ang ideal wife ko eh. Maganda, matalino, moody, minsan masungit at mataray." Napakunot ang noo niya at tumingin sa akin ng masama.

"My ideal wife is actually pregnant now. She loves to give me backhugs and a morning kiss. Mabait and masarap kasama. Oh! Did I also mention that she also has a 16 year old daughter named Calli? In short, my ideal wife is Amara Claire Montevista. Kilala mo ba?" Banat ko kaya lumingon siya sa window sa tabi niya and I can hear her soft chuckles. Then she cleared her throat at humarap sa akin with a serious face na nagpipigil ng ngiti.

"Parang kilala ko. Ay teka, I'm Amara Claire Montevista din eh." Nakisakay na siya sa biruan namin.

"Nice to meet you Ms. Amara." Natawa siya. This is a fun conversation. Nawala na 'yung pagkabadtrip niya sa akin. Hahaha. Diba? Easy as that.

"Well ako, my ideal husband is a little bit taller than me. Handsome, also smart, caring, mapang-asar, bw*sit minsan." Binawian niya ako doon ah.

"Meron pa. My ideal husband also loves to surprise me with anything that he can think of. Masarap magluto and may anak din siyang Calli ang name. What a coincidence! His name is Alexander Montevista."

"My name is Alexander Montevista. I think I'm your ideal husband." I said and bigla kaming nagtawanan. Me and my wife can get a bit crazy sometimes.

After a few minutes, nandito na kami sa condo and dinala ko na 'yung mga pinamili namin.

"Goodnight mommy! Goodnight dad!" Calli kissed me and Amara sa cheeks. Pagod na pagod sa pagshoshopping today kaya matutulog agad. Hahaha.

"Goodnight sweetheart." Sabi ni Amara.

"Goodnight. Sweet dreams." I said.

Pumunta na kami sa room para makapagbihis na at makapagpahinga from this tiring day.

Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon