Awkwardness Level 100

165 9 0
                                    

Amara's POV

"What are you doing here?" I asked him.

"Is that how you're going to greet your future husband? I'm just kidding." Ang sarap balibagan ng gate nitong lalaking ito eh. Nagtext pa, pupunta din naman pala.

"I'm asking you, what are you doing HERE?" In case you're wondering, it's WILSON.

"Can we talk inside? Para naman akong manliligaw dito sa labas na ayaw mong papasukin sa bahay. Strict ang parents?" Tanong niya.

"Bahala ka dyan." Pumasok na ako sa loob and sinundan naman niya ako.

Napaka talaga eh. Feel at home? Bahay niya ba ito? Pasensya kung nagiging rude ako pero. Arghhh. He's unbelievable.

"So ano bang sasabihin mo?" Tanong ko para matapos na ito agad.

"Here, I couldn't wait eh. Here's the invitation. Mom and dad are expecting you." He handed me a small gray envelope. Nakalagay sa loob ang details nang company anniversary.

Whatttt????? Bukas na agad? Eh last minute naman pala kumilos itong lalaking ito eh. Kaya pala sabi ng mama bukas niya ipapadala yung damit kasi bukas na ito. Ang galing talaga. Para hindi na ako makatanggi.

"Yan lang naman. And oh this is for you." Inabutan niya ako ng bouquet of flowers. Ngumiti nalang ako ng pilit pagkaabot niya sa akin ng bulaklak.

"Mam, ano pong lulutuin para sa din-- ikaw?" Si Calli yun na kakalabas lang ng kusina. Parang nagulat siya nang makita si Wilson.

"You know him?" I asked.

"Yes, i understand little girl. Talaga namang makikilala mo ako because i have my face on our company billboards." Napakahangin talaga.

"Hindi. Hindi niyo po ba ako naaalala? Ako yung batang muntik niyo nang mabangga sa pedestrian?" Woahhh. I didn't know that.

"Well, sa dinami dami ng taong naeencounter ko araw araw, it's impossible for me to remember everyone's face. But I'm sorry kung ako man yun. You're actually very lucky to meet me."

"Sige po. Dun lang ako sa kusina."
Napatingin naman ako kay Calli na naglalakad palayo. Pero may narinig akong sinabi niya.

"Kapal." Pinigilan ko nalang ang tawa ko. Hahahahaha.

"Sige na. I'm very busy. Thanks for dropping by." I said almost pushing him outside. Hindi ko naman tinulak. Almost lang. Hahahaha.

"Bye Amara! See you tomorrow!" Pagkaalis ng sasakyan niya ay binalibag ko ang pagkakasara sa gate.

Pagpasok sa loob ay binaba ko yung invitation at bulaklak. Pumunta ako sa kusina at naabutan kong umiinom ng chocolate drink sila Tarra at Calli.

"Kilala niyo po pala yun. Kaya pala pamilyar siya sa akin. "Sabi ni Calli na nakatingin sa hinahalo niyang inumin.

"Yup. Yun yung taong hangin na sinasabi ko." Natatawa kong sabi.

"Si Sir Wilson mam? Kinukwento nga po ni Calli na nasa pedestrian siya tapos muntik na siyang mabangga. Tapos siya pa daw ang sinisi." Kwento ni Tarra.

"Hindi na ako magugulat. Ganyan talaga ugali niyang lalaking yan. Tapos pinapartner nila sa akin? Tss. No, thanks." I said. Bigla naman nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito. Si Ria ang tumatawag.

"Hello? Ria, what is it?" Tanong ko.

"Did you receive an inivitation sa anniversary ni Wilson?"

"Yup. From Wilson himself." Bored kong sagot.

"Pupunta ako kasi investor namin siya ni Lester eh. Ikaw ba?"

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now