Chapter TWENTY-THREE --> Stars and Sky <--

6.4K 203 20
                                    

====> Chapter TWENTY-THREE --> Stars and Sky <--

 

[Cassidys POV]

 

Mahigit alas dose na ng gabi nang matapos ‘yong party. Hindi pa nauubos ‘yong mga bisita ay agad na kong lumakad paalis ng pavilion.

“Princess.” Hinawakan ni kuya ‘yong braso ko, dahilan upang mapahinto ako sa paglandas patungong pintuan. “Sa’n ka pupunta? Hindi pa umaalis ‘yong ibang bisita.”

“Kailangan kong makita si Den, kuya. Late na ‘ko.” Hindi mawala sa loob ko ang pag-aalala. Paano nalang kung wala na pala si Den doon sa may daungan? Paano nalang ‘yong regalong tinutukoy niya para sa akin?

“What?” Kumunot ang noo niya. “Where?”

I sighed. “Stop worrying, kuya, okay? I’ll be fine.”

“You’re meeting a guy and it’s past midnight. Paanong hindi ako mag-aalala?” Binawi ni kuya ‘yong kamay niya sa braso ko upang humalukipkip. Pinagmasdan niya ako ng taimtim. Protective brother mode is on, baby.

“Para namang hindi mo kilala si Den, kuya! Wala siyang gagawing masama sa’kin,” pangungumbinsi ko sa kanya. Pero imbis na magsalita ay tinitigan niya lang ako at pinagtaasan ng kilay. Pambihira talaga! “Kuya naman!” Para akong bata na nalulukot ang mukha sa harapan niya. Para akong bata na ayaw ibili ng ice cream ng kuya niya.

Tumigil lang sa pagtitig sa akin si kuya noong may boses ng babaeng tumawag sa kanya. Lumingon kaming dalawa sa kanila, kay Mama at Papa na papalapit sa amin ngayon. “Jace, can we talk?” ani Mama. Noong lumipat ang tingin niya sa akin ay biglang umamo ang kanyang mga mata. Ngumiti siya sa akin at humakbang para yakapin ako.

“I miss you, baby,” bulong niya sa akin. “You look so beautiful tonight.”

“Thanks, Ma,” sagot ko at saka gumanti ng yakap. “Bibisita ako. Promise.”

“Yes, please.” Humiwalay siya sa akin upang hawiin ang ligaw na buhok mula sa noo ko. Inaamin kong lagi silang wala sa bahay noon at hindi ko masyadong naramdaman ang pagiging magulang nila sa akin, subalit inaamin ko rin na minahal nila akong dalawa kahit na wala talaga silang responsibilidad sa akin. Kung kailan ako umalis ng tuluyan sa bahay ay ngayon lang nila pinaparamdam na may pakialam sila sa akin.

Marahil ay ganoon talaga. Saka mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa’yo.

“Cassidy.” Lumapit si Papa sa amin at niyakap kaming dalawa ni Mama. “I miss my little baby.”

“I miss you too, Pa.” It wasn’t a lie. Kahit na hindi ako masyadong close kay Papa dati, hindi ko pwedeng ipagkaila sa sarili ko na minahal ko siya bilang isang tunay na magulang.

“Jace.” Bumaling si Mama kay kuya. “A moment, please?”

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now