Thank You!!

583 13 0
                                    

Maraming maraming salamat po sa sumsubaybay ng estoryang ito. Kahit alam kong may pagka cliché at lame itong story. Kasi ano... Itong story na 'to ang unang natapos kong sinulat no'ng sa Facebook pa lang ako gumagawa.

Inilipat ko lang dito dahil ngayon lang ako nagkaroon ng Wattpad acc. 2018 ko pa lang sinulat 'to. Actually, marami na akong story na muntik ko na sanang matapos kaso nadelete. Kaya nanghihinayang pa rin ako hanggang ngayon kasi sayang 'yun. Kunting-kunti na lang, matatapos na. 'Yung pinahirapan ko, napunta lang sa wala.

Pero masaya na ako ngayon dahil nakatapos na ako. Kahit medyo hindi maganda ang takbo, ang corny ng lines, ang OA ng mga scenes, masaya pa rin ako. Proud ako sa sarili ko kasi kahit papano may natapos na 'ko na story.

Sa mga oras na ginawa ko ang estoryang 'to, hindi pa ako masyadong magaling mag-sulat. Halata naman, 'di ba? Hindi pa masyadong maganda gumawa ng scene.

Hindi ko na binago ang takbo kahit may pagka lame at cliché. Ang hirap na kasing bagohin kung natapos ko na. Wala na akong maisip na ipapalit sa mga scene, lines, lahat.

Kayo na po ang bahalang humusga sa story ko. Kung may hindi po kayo naintindihan, message me or comment na lang para matama ko.

Maraming salamat sa pagbabasa. Sana nag-enjoy kayo. Sana may natututunan kayo kahit kunti lang naman. Salamat din sa inspiration.

Abangan niyo po ang mga paparating na story ko. Sana hindi kayo magsasawang magbasa sa mga kwento ko.

Labyu mga kwennies!

-kwenny

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon