Chapter 10

656 21 3
                                    


Patrick POV


Pagkatapos naming kumain ni Mat sa canteen, pumunta muna ako ng locker at kinuha 'yung libro. Agad naman akong bumalik sa canteen pero pagdating ko do'n wala na si Mat sa table kaya nagbakasakali ako na pumunta na siya sa room.


Ngayon papunta nako nang room ilang hakbang nalang at nandito na 'ko agad akong pumasok. Pagpasok ko, saglit akong huminto at tumingin sa paligid kong saan si Mat nakaupo. Nakita ko agad si Mat na nakaupo at naka-headphone. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya basta napansin ko na may ginuhit siya.



Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. Napalingon naman siya sakin at napahinto sa gingawa niya. Inalis naman niya ang headphone na nasa tenga niya at nilagay sa leeg niya.

"Oh, bakit diyan umupo? Dito ka naka-upo, 'di ba?" Tanong nya at tinuro ang upoan ko na nasa harap niya.


"Dito muna ako, tutal, wala ka namang katabi, 'di ba?" Pangiti kong sabi. Ngumiti naman siya at pinatuloy ang ginagawa niya at binalik uli ang headphone sa tenga nga.


Napasilip nalang ako sa ginuhit niya at isang anime. Galing, ah? Kuhang-kuha nga niya. Napatingin nalang ako sa headphone niya na kulay itim. Agad ko naman 'yun kinuha at inilagay sa tenga ko. Nagulat naman siya do'n at pilit niyang kunin.


"🎶 You are the one that I've been searching for the whole life through––" 'yan ang narinig ko mula sa headphone niya. Medyo nabaduyan ako kasi pambabae ang kanta. Agad ko nalang inalis at binigay sakanya.


"Tsk! Patrick naman, eh!" Reklamo niya at kinuha ang headphone.


"'Yun ba ang favorite song mo?" Tanong ko sakanya. Napatingin naman siya sakin.


"Oo, ganda kasi pakinggan, eh. 'Yung felling na.. nakahanap ka na ng taong mag-papasaya sayo? Tapos, nandiyan palagi.. katulad mo.. Kaya ito nga ang palaging kong panakunggan na kanta, eh, kapag wala akong ginagawa. Ganda, 'di ba? You are the one ang title," saad niya.

Bahagya nalang akong napangiti sa sinasabi niya. Hindi ko na din kailangan maghanap ng babae, kasi felling ko parang nahanap ko na siya. Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib KO sa sinabi nya na katulad ko.


"Eh, ikaw? Anong favorite song mo?" Tanong niya sakin. Agad akong napa-isip dahil sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako hilig makinig sa mga music, pero may isang kanta na nagpapa-ngiti sa labi ko.


"Hmm. I need you more today," sagot ko.


"Ahh.." tumango-tango pa siya. "Favorite ko din 'yan, pero minsan ko lang 'yan pakinggan. Pero, bakit 'yun?" Pangiti niyang sabi. Napalingon naman ako sakanya.


"'Yung felling na.. parang ayaw mo siyang mawala sa tabi mo. Dapat nandiyan lang siya sa tabi mo, para kapag manakit sakanya, handa mo siyang ipagtanggol." Pangiti kong sabi. Sa totoo lang, siya naman talaga ang ibig kong sabihin do'n, eh.


"Ahh.." Daing niya. Napangiti naman siya habang nakatingin sakin. "Inlove ka, 'no?" Pangiting sabi niya at tinuro ako.


Ang cute niya. Shit!


"Hindi, ah?" Tanggi ko. Mero naman talaga akong nagugustohan, eh.


"Wee? Ayan, oh! Kita ko kung paano kumikinang ang mga mata mo, ang ganda pa ng ngiti mo. Kunyari ka pa, eh. Hehehe. Sino siya?" Pangiting tanong niya.
Lihim naman akong tumawa dahil sa ka-cute niya at napakagat naman ako sa labi ko.


"Hindi ko sasabihin," hiyang tugon ko.


"Okay. Sabi mo, eh!" Sabi niya at gumuhit ulit. Hindi na niya inilagay ang headphone niya sa tenga. Habang ako minamasdan lang ang ginuhit niya.. lalo na siya.


"Okay class, may gagawin kayong project and dapat partner-partner."


Napalingon kaming dalawa sa harap na ngayon ay kakapasok lang ni ma'am Daffy isa siyang English teacher namin. Napatingin din ako sa pinto na ngayon ay pumasok ang limang gangster at si Nicole Zera at Anjie.


Tumingin naman silang lahat samin, pagkatapos ay umupo sila sa upoan nila. Magkatabi ang limang gangster habang sina Nicole naman ay magkatabi din at sa kabila sila. Buti nga malayo samin, eh.


Partner-partner?? Yes! Wish na sana magkapartner kami, please..


Ngayon tinatawag na ni ma'am Daffy ang mga pangalan nangkaklse naming kung sino ang mag-kapartner. Sa palagay ko, kami at mga gangster at sina Nicole nalang ang wala pang natawag.


"Ace and Anjie, Russell and Zera, Dark and Shane, Ashton and Zaira, Patrick and Mitch." Sina Shane at Zaira, sila ang classmate namin. Bigla akong napangiti sa sinabi ni ma'am. Kaso..


"Ay! No! No! No! Mali, sorry.. Red and Mitch, Patrick and Nicole." Bwesit!!


Shit! Bakit sila pa? Baka masapak na naman 'yan si Mitch ni Red, eh.


Napalingon ako ni Mitch na ngayon ay sinilipan si Red sa harap. Napatingin din ako ni Red na sumilip din ni Mitch pero agad ding umiwas. Tumingin ako ulit ni Mitch, napatingin naman din siya sakin.


"Hay, nako! Si Red ang partner ko, sana wala siyang binabalak na masama." Bulong niya sakin.


Kailangan ko siyang bantayan kahit partner ko si Nicole. Kainis bakit pa si Nicole?


"And.. that's it for today," sabi ni ma'am Daffy at umalis nang room pero bago 'yun, may sinabi muna siya. "Be ready,"


Fast forward


Ngayon nasa library kaming lahat ng section 1. Sa libro kami kumuha ng mga answer dahil nandon na lahat.


Habang ako, pasilip-silip sa table nina Mitch. Ngunit napalaki ang mata ko nang nakita ko si Mitch at Red na nagtatawanan. wtf? Close agad?


"Walang hiya!" Mahina kong sabi at napakuyom ang kamao kl. Napansin ko naman na napatingin sakin si Nicole.



"Anong sabi mo?" Taray niyang tanong habang nakatingin sakin.


"Wala," Walang gana kong sagot at inis na tumingin kina Mitch at Red pero agad akong umiwas.


Dahil sa galit ko, Inis kong napahampas sa mesa at tumayo. Nabigla naman si Nicole at tinawag ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Lumapit naman ako sa table nila Mitch at napatigil sila nang nakita ako.


"Pwede ba! Sa labas na kayo mag-tawanan? Nakaka-distorbo kayo, eh!" Taray kong sabi at umalis sa library upang lumabas.



Mitch POV


Napatingin nalang ako ni Patrick na lumakad papalayo samin. Bakit siya nagalit? Anong problema niya?


"Anong problema do'n?" Tanong ni red na nasa harap ko.


"Ewan ko. Hayst! Segi na, gawin na natin ang project!" Sabi ko at sinimulan ang gawain namin.


Nagtawanan kasi kami dahil nawalan ng ink ang ballpen niya. Pero hindi pa kami close, ah? 'Wag kayong ano!


©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now