Chapter 8

639 23 0
                                    

Mitch POV


Hanggang ngayon takbo parin kami nang takbo ni bakse papuntang gym. Mag start
na kasi ang practice namin, eh,dapat nandon kami kung hindi, patay kami ni coach.


Oo, ang favorite kong sports ay volleyball. Kahit na mamamaga ang braso at kamay ko, okay lang sakin 'yun, basta nakalaro ako, saka sanay na ako. Marami narin akong na salihan na laro kapag volleyball minsan talo minsan rin panalo.


Ilang hakbang nalang at nakarating na kami sa gym agad naman kaming pumunta sa mga kasama naming volleyball kong saan sila nakaupo lahat.


Nakayuko naman akong naglalakad ngunit bigla akong napahinto nang may nabangga ako. Agad kong inangat ang ulo ko at bumungad ang mukha ni Zera.


Napatingin naman ako sa kanan at kaliwa nang bumungad din sakin ang mukha ni Nicole at Anjie, kaya napalunok naman ako.


"Gaga ka ba?! Alam mo namang may tao!" Taray nitong sabi. Napalunok nalang ako ulit dahil sa aura niya .


Shit! Ito na naman, away na naman, pagod na 'kong pumatol sa kanila, eh. Hay! Buhay nerd! Kainis! I hate myself!


"Sorry, Zera. Hindi nami––" naputol ang sasabihin ni Bakse nang nakita niya ang 5 gangster lalo na kapag nakita niya si ace baka masakal naman siya.


"S-Sorry. H-Hindi ko sinasadya!" kaba kong sabi at lalagpasin sana sila nang agad kaming hinarangan nila Ace kaya kaba akong umatras.


"Tsk! Ngayon, wala ka nang ka wala,Mitch. 'Wag ka nang mag-isa na ipagtanggol ka pa  ni Patrick." Saad ni Anjie. Hindi naman si Patrick ang iniisip ko, kalagayan ko naman eh. Kung bugbugin ba nila ako, sasampalin o whatever.


"Pwede ba! Padaanin niyo kami! May practice pa kami, eh! Hindi ba kayo napapagod sa kaka-bully ni Mitch? Nanahimik na nga 'yung tao, gugulohin niyo pa?!" Taray na sabi ni Bakse. 'Yan! Ipagtanggol mo 'ko Bakse!


"Hoy! Bakla!" Pasimuno ni Ashton. Lumingon naman si bakse sakanya. "'Wag ka ngang mangingi-alam dito!"


"At 'wag ka ding sumabat dahil hindi ikaw ang kinausap ko! Gago!" Sigaw niya ka naman tiningnan siya ng masama ni Ashton.


"Hawakan niyo, girls!" Sabi ni Nicole kila Anjie at Zera. Lumapit naman sila ni Bakse at hinawakan ang braso nito.


"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Sinubukan niyang pumiglas kaso mas malakas pa ang dalawa.


Hinayaan ko nalang siya para hindi siya madadamay sa kagagahan ko na baka masali pa siya. Mas mabuting hawakan muna si Bakse kila Zera at Anjie.


Huminga nalang ako nang malalim at tumingin kay Nicole na masamang tumingin sakin. Napalunok nalang ako ulit.


"Ikaw!" Taray nitong sabi at tinulak ako
sa dibdib. "Hindi bagay sayo ang manatili dito sa campus dahil ampangit mo!"


Bigla namang kumuyom 'yung kamao ko sa   sinabi niya. Napansin ko din na nag-sitinginan ang lahat ng mga estudyante samin at vini-videohan kami.


Kung makapangit akala mo kung sinong maganda. Mapanganga ka rin sakin Nicole kapag lumabas na ang totoong Mitch . Hindi naman ako natatakot sayo dahil 'magsisisi' ka rin sa pangbubully mo sakin at hindi lang ikaw, pati narin ang mga gagong tarantadong baog na mga gangster ng mga ito. Sarap imudmud sa sahig, eh.


The Nerd Pretender [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें