Chapter 39

396 16 0
                                    

Patrick POV


Ngayon papunta na kaming gym. Kasama ko parin si James at Drake at nasa likod ko sila ngayon. Nagkakabati na kaya sina Mitch at yung mga gangster? Pati sina Nicole?


"Trick," tawag ni James pero patuloy parin kaming naglalakad. "Dapat ka ding mag-sorry kay Red."


Bigla akong napahinto dahil sa sinabi nya. Napahinto nadin silang dalawa. Napakonot noo naman ako at humarap sakanila.


"Bakit naman ako magso-sorry? May kasalanan ba akong nagawa sa kanya?" konot noo kong sabi sakanila.


Tsk! Bakit naman ako magso-sorry? May nagawa ba akong mali sakanya? No way!


"Baka nakakalimutan mo, sinuntok mo si Red sa gitna ng campus. No'ng time na pinakita ni Mitch ang totoong mukha niya. Nakalimuta mo na ba 'yun?" sabi ni Drake.


Biglang naalala ko ang pangyayari na yun. Bigla akong natahimik dahil sa sinabi nila. Hays! Oo nga, 'no? Para maayos na talaga ang lahat, dapat akong magsorry sakanya. Naalala ko na marami pala akong nagawang mali sakanya.


Agad nalang akong humarap sa dinadaanan ko at patuloy sa paglalakad.
Limang hakbang nalang at sa gym na kami. Ngunit bigla akong napahinto ulit nang binuksan ko ang pinto ng gym, ay nakasalubong ko sina Red at yung apat na gangster.


Dapat ko rin bang mag-sorry sa apat? Dapat sila ang mag-sorry sakin dahil sila ang may kasalanan nang lahat ng ito. Saglit kaming nagtitigan ni Red. Wala pang sigundo nagsalita na siya.


"Musta ka na, Trick?" Tanong nya sakin. Hindi naman ako nagpaligoy-ligoy pa. Kaya agad akong tumango.


"Sorry nga pala sa mga nagawa kong mali sayo. Red, nadala lang kasi ako sa selos kapag magkasama kayo ni Mitch." Sabi ko. Lihim naman syang tumawa at yung apat ay nanatili lang tahimik.


"Mahal mo talaga si Mitch, 'no? Swerte mo naman. 'Wag kang mag-alala, sa 'yong - sa 'yo na siya. Wala na 'kong magagawa dahil kaibigan lang ang turing ni Mitch sakin. Saka, pasensya ka na rin." Sabi nya.


Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nya. Hindi ko akalain na nagmahal talaga si Red sakanya. Grabe! May kalaban pala ako. Noon pa lang, akala ko gawa-gawa nya lang para magmukha syang mabait para mapalapit kay Mitch. Hindi pala.


"Pero Pat, please, alagaan mong mabuti si Mitch. 'Wag mo siyang sasakyan. Lalo na't 'wag mo siyang paiyakin. Sana maging masaya kayo." Dagdag pa nya. Ngumiti naman ako at tumango.


"Maasahan ko 'yan." Sabi ko at nilahad ang kamay ko sa harap nya. Hindi nagtagal, tinanggap nya ang kamay ko at nakipag shake hands ako. Maya-maya pa ay binawi ko ang kamay ko at nilagay ko. Sa bulsa ko.


"Paano, una na kami, ah? May gagawin pa kami." Ngiting sabi nya. Tumango nalang ako at tumabi sa kanilang dinadaanan.


Nang nakalabas na silang lima sa gym. Biglang lumuwag ang hininga ko at pumasok sa loob.


"Buti naman at nagsorry ka na." Sabi ni Drake. Hindi ko na lang yun nilingon at patuloy nalang ako sa paglalakad.


Ngunit laking gulat ko nang may biglang yumakap sakin. Nang mahigpit. "I'm so sorry, Patrick. Sana mapatawad mo pa ako." bulong nya sakin. Napakonot noo ako ng familiar ang boses. Boses babae.


Napatingin ako sa babaeng nakayakap sakin at laking gulat ko nang nakita ko ang mukha ni Nicole. Napayakap sya sakin nang mahigpit. Ramdam ko din ang luhang dumampi sa damit ko.


"I'm sorry," sabi nya. Dahan-dahan ko nalang syang pinaharap sakin sa pamamagitan ng braso nya.


"Ani bang nakain mo at nagkakaganyan ka? Napaka-OA mo naman." Taray kong sabi sakanya. Napataas naman ang kilay niya at inis na lumayo sakin.


"Grabe ka naman. Nagso-sorry na nga 'yung tao, pinapagalitan mo pa. Hindi pa rin ba nawawala 'yang galit mo sakin?" Sabi nya at pinunasan ang luha nya sakin. Napa-cross arm naman ako.


"Tsk! Bakit? Akala mo madadaan ako sa pagso-sorry mo? Sa dami ng nangyari, hindi pa sapat sakin 'yan." Taray kong sabi sakanya. Napansin ko din sa likod ni Nicole na nakatingin samin si Zera at Anjie.


Kahit kailan hindi ko talaga mapapatawad ang babaeng ito. Siguro naman nagpapanggap lang ito para makalapit sakin.


"Eh, ano pa bang dapat kong gawin para mapatawad mo 'ko? Kahit mahirap 'yan, segi go ako. Sabihin mo lang handa kong gawin." Sabi nya. Hindi naman ako sumagot agad at tinitingnan ko lang sya na masama.
Tsk!! Kahit ano pang gawin nya, hindi ko parin sya mapatawad.


Tatalikod lang sana ako nang pinigilan ako ni Drake at James at pinaharap ako kay Nicole.


"Okay, ganito na lang. Patatawarin ka ni Patrick... Basta tulongan mo kami." Ngiting sabi ni Drake kay Nicole.


Napakonot noo nalang ako dahil sa sinabi ni Drake. Alam ko kung tinutukoy niya. Napakonot noo narin si Nicole dahil sa sinabi ni Drake sakanya. Hindi narin sya nakapagsalita kagad.


"Segi, kahit ano pa 'yan. Pero, anong tulong ang magagawa ko?" Tanong nya samin.


"Talaga? Tutulongan mo kami?" Sabi ni James kay Nicole. Tumango naman si Nicole kagad, kahit ako naman napakamot ulo nalang.


"Oo, promise!" Sabi nya. Napansin ko din na lumapit si Zera at Anjie sakanya


"Okay, ganito kasi 'yun." sabi ko.


Ayun, kweninto ko naman ang dapat nyang gawin. Sinabi ko din sakanila na haharanahin ko si Mitch. Gulat na gulat nga silaz eh. Na parang hindi makapaniwala dahil sa gagawin ko. Pumayag nalang silang tatlo para mapatawad ko at para matapos ang problema dito.


"Deal!" sabay sabay nilang sabi. Napangiti naman ako.


Sana sagutin nya ako. May gusto kaya sya sakin hindi nya lang masabi?



©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon