Chapter 15

583 22 2
                                    

Patrick POV


Hanggang ngayon nasa clinic parin ako. Nagmukmuk ako dito sa sofa habang si Mitch ay nandoon pa sa kwarto niya, ginamutan pa siya ni doc Mizzy. Ngayon iniisip ko parin na kung sino man ang may kagagawan nito hindi ako magdadalawang isip na bugbugin siya.


Hindi pwede na basta-basta nalang na hayaan ang problemang 'yun kailangan din malaman ni Mitch ang totoo. Pangalawa na 'to, una, pinagbibintangan si Mitch na siya daw ang nagkalat sa mga papeles ni Mr. Luke, pero naniniwala ako na hindi magagawa ni Mitch nang ganun.


Pangalawa, itong pangyayaring 'to. Kung may kinalaman man dito si Ashton or Nicole at kaibigan nya, lagot sila sakin.. Akalain niyo, muntik nang mamatay si Mitch sa pagkulong nila, pero buti nalang na check ko kagad.


Ayukong mawala si Mitch sa buhay ko, dahil sa kanya hindi ako magkakaganito. Siya lang 'yung babaeng nagpakita nang ganito sakin kung paano magmahal sa isang katulad niya. Ewan ko! Mahal ko na siya, eh. Ngiti niya palang inlove na 'ko pa'no na kaya kung tumawa siya, mas lalo pa akong mainlove sakanya. 'Wag kayong mag-alala, makuha ko soon ang first kiss ko sakanya. Hindi pa kasi ako nakatikim nang halik.


"Patrick!" Napaangat ang ulo ko nang tinawag ni doc Mizzy ang pangalan ko.


"Ito, inomin mo 'yan. Alam kung may nakain ka ding usok!" Sabi niya at may inabot siyang gamot at tubig. Agad ko 'yun tinanggap at ininom din. Pagkatapos ay binigay ko ulit kay doc Mizzy 'yung baso.


"Kamusta siya?"

"Well, she's fine, 'wag kang mag-alala. Oh, segi, alis muna ako, ah? Ikaw muna bahala sakanya." Sabi niya at umalis ng clinic. Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto niya.


Pagdating ko do'n agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Nakita ko naman na naglalaro siya sa cellphone niya. Dali-dali naman akong lumapit at agad kung kinuha ang cellphone niya at inoff. Nabigla naman siya do'n at tumingin sakin.


"Ano ba!" Aakmang kukunin niya sana ang cellphone nang inilayo ko ito.


"Mas lalo kang magkakasakit niyan kung cellphone ka lang nang cellphone!" Umupo naman ako sa paanan niya.


"Okay, okay, segi, hindi na ako gagamit niyan kaya akin na 'yang Cellphone ko!" Agad ko nalang binigay, baka malalo siyang mastress. Nilapag niya naman ito sa mesa.


"Uh, kanina ka pa nandito?" tanong niya.


"Oo,"


"Sabi ni doc Mizzy kasama mo raw ay bakla, si Bakse ba 'yun?" tanong niya ulit. Tumango nalang ako na nagsisilbing sagot ko.


"Nasa'n siya?"


"Nasa CCTV Footage room, hinanap niya 'yung gumawa sayo niyan." Sabi ko. Kung titingnan mo siya ngayon ay halatang maputla siya.


"Uh.. pero--" hinatuloy ang sasabihin niya nang bigla siyang naubo. Aligaga akong tumayo at kinuha ang tubig kaya agad ko itong binigay.


"Okay ka lang?" pag-alalang tanong ko at hinimas-himas ang likod niya habang umiinom ng tubig. Sino naman ang hindi mag-alala kung ang taong mahal mo ay nagkakaganito.


*Beep*beep*


Napalingon ako sa cellphone niya nang may nagtext. Agad niyang kinuha at tiningnan kung sino kaya sinilip ko naman.


From: Mommy

-Matty, where are you? Kanina pa kami naghihintay sayo ng kapatid mo!


Basa ko sa text ng Mommy niya. Akala ko kung sino.


"Kailangan ko na palang umuwi, nag-alala na sina Mommy sakin. Segi, alis na 'ko." Sabi niya at tumayo. Lalakad na sana siya nang pinigilan ko siya sa braso.


"Teka, sandali! Ihahatid nalang kita,"


"Huh? Ay, hindi na. Magtataxi nalang ako," Sabi niya.


"Ay, hindi ako papayag! Maubos man ang gas ko, wala akong paki-alam!" pangiting sabi ko. Natulala naman siya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.


"Huh?" Sabi niya. Napangiti nalang ako dahil sa ka-cute-tan niya. Kahit papaano maganda pa rin siya.


"Halika na!" Agad kong kinuha ang bag niya at mabilis siyang hinila.


Bakse POV


Papunta nako nang CCTV Footage room para alamin kung sino talaga ang gumawa kay Mitch no'n.


May kutob ako na si Nicole talaga ang may kagagawan nito. Siya lang naman ang may kayang gumawa nang ganito, eh. At gagawa na naman siya ng eksena pagkatapos ay pag bintangan nila si Mitch. Lagot sakin 'yang impaktang 'yan, lalo na 'yang Zera at Anjie.


Pagdating ko do'n ay may nakasalubong akong guardya na nagbabantay. Tumingin naman ako sakanya at napatingin rin naman siya sakin.


"Sir, anong ginagawa niyo dito?" tanong nito sakin. Napataas naman ang kilay ko nang tinawagan niya akong, sir.


"What?! Sir?!" Tinuro ko ang sarili ko habang tiningnan siya ng masama.


"Bakit? Alangan namang 'ma'am', eh, hindi ka naman babae!" Sabi nito. Minumura talaga ako nito.


Bumuntong hininga ako. "Manong, pwede po bang pumasok? Gusto ko lang pong makita ang vedio sa room 104." Sabi ko.


"May school I.d po ba kayo?" Tanong nito sakin. Nako! Naiwan ko ang I.D sa locker room! Shit!


"Uhm, naiwan ko po, eh." sabi ko.


"Nako! Bawal pong pumasok kapag walang i.d. Hindi po pwede," sabi nito. Napakamot naman ako sa ulo ko.


Tanga ka bakse.


"Manong!"


Napalingon naman kaming dalawa nang may sumigaw at nakita ko si Patrick na papalapit samin.


"Sir Patrick, good afternoon po."  bati nito kay Patrick, tumingin naman sakin si Patrick pero umiwas kagad.


"Manong, kailangan po naming makita ang video sa room 104." Sabi ni Patrick kay manong.


"Okay po, pasok po kayo." Sabi nito at pinagbuksan kami ng pinto.


Agad kaming pumasok at sumunod naman samin 'yung guardya at pinatingin samin 'yung video. Nakita namin sa vedio na pumasok si Mitch sa room ni ma'am Daffy at maya-maya pa ay may nakita din kami na si Nicole at Zera ang sumara sa pinto. Sinasabi ko na nga ba, eh.


"Shit! Kuya paki-pause nga!" Sabi ko.
Pinause naman niya at kitang-kita namin na si Nicole at Zera ang nag lock sa pinto.


"Si Nicole at Zera?!" Hindi makapaniwala kong sigaw.


Napatingin naman kaming dalawa ni Patrick sa isat-isa at bakas sa mukha niya ang galit.


©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant