Chapter 37

388 19 0
                                    

Mitch POV


Hanggang ngayon nasa locker room parin ako. Tumigil narin ako sa kakaiyak. Nagmumukmuk narin ako dito. Nakaupo parin at nakasandal parin sa mga locker.


Ewan ko, hindi ko alam na may tao na pala akong nasasaktan at si Red iyon. Kaya pala sya nagbago dahil sakin. Sana nga matapos na ang mga pangyayari para wala nang gulo. Siguro pagsubok lang ito.


Agad nalang akong tumayo at inayus ko ang sarili. Humarap naman ako sa locker ko at bubuksan ko sana nang napatingin ako sa unahan ko, sina Nicole at Zera pati si Anjie. Naglalakad sila, napahinto narin sila nang nakita nila ako.


Aapihin kaya nila ako ulit? Ano kayang balak sa mga 'to.


"Uhm... Hindi kami pumunta dito para makipag-away sayo." Sabi ni Zera. Nabasa nya yata ang utak ko. Akala ko aapihin pa naman aapihin nila ako.


"Humingin sana kami ng sorry sayo. Sa sobrang pananakit namin sayo, hindi ko namalayan naapakan na pala kita. Sana mapatawad mo pa kami." Dagdag pa nya.
Buti nalang at nagising kayong tatlo, pero yung apat, magigising kaya sila sa katotohanan?


"Mitch, kung may galit ka pa samin, handa naming intindihin 'yun. Kung gusto mo kaming parusahan, segi, gagawin namin ang lahat, mapatawad mo lang kami. Please," pagmamakaawa ni Nicole sakin. Napahawak narin sya sa kamay ko.
Hindi nalang ako nagsasalita, at iniisip ko kung mapapatawad ko pa ba sila?


"Pagpasensyahan mo sana kami." Sabi ni Anjie. Napalingon naman ako ni Anjie saglit tsaka ako ulit lumingon kay Nicole na hawak pa ang kamay ko.


Nabigla nalang ako nang aakmang luluhod sana sya kaya dali-dali kong pinigilan.


"Nicole, please, 'wag. Hindi ko naman kailangan 'yan. Tsaka, wala na akong galit sa inyo. At lalong hindi pumasok sa isip ko ang parusahan kayo. Pero sana 'wag niyo ng uulitin 'yun." Sabi ko. Bahagya silang napangiti dahil sa sanabi ko. Nagtinginan naman sila saglit sa isa't - isa at muling tumingin sakin.


"Oo, magbabago na talaga kami. Tutal wala na rin kaming choice, eh, kasi ikaw naman ang Queen Bee dito." sabi ni Anjie. Nataohan ako dahil sa sinabi nya. Akala ko ba hindi na tuloy ang final? Pero bakit Queen Bee ang turing nila sakin?


"Hindi naman ako Queen Bee, eh. Hindi natuloy ang final result dahil sa gulong nangyari. Kung hindi ko sana kayo sinaktan, e 'di sana tuloy pa ang final results." Sabi ko.


"Tsk! Mabuti nga at naputol 'yun, eh! Ikakahiya ko 'yun 'pag natuloy." Sabi ni Anjie.


Mukha namang nagbago na sila. Ramdam ko kasi na parang hindi na si Nicole, Anjie at Zera na kilala ko noon ang kaharap ngayon. Sigurado ako na maayos at maayos din ang lahat.


"Friends?" Pangiti kong sabi at nilahad ko ang kamay ko sa harap nila. Ngumiti naman silang tatlo.


"Friends." Ngiting sabi ni Nicole at tinanggap ang pakikipag-kaibigan ko sa kanila.


"Mauna na kami sayo, ah?" Sabi ni Zera. Bago binitawan ni Nicole ang kamay ko.
Tumango nalang ako, tsaka nila ako nilagpasan.


Naiwan nalang akong mag-isa dito. Buti nalang at nagkabati na kami. Sana nga matapos na ang storyang ito.


"Mitch!"


Napalingon ako sa kaliwa nang may tumawag sa pangalan ko. Agad kong nilingon yun at nakita ko sina Drake, James at Patrick na nakatayo.


Nako! Nandito naman ang tatlong ito. Hindi na yata ako makapunta sa library dahil dito.
Lumapit naman silang tatlo sakin. Hanggang sa nasa harap ko na sila.


"Mukhang nagkakabati na yata kayo nina Nicole, ah?" sabi ni Drake. Napalingon nalang ako ni Patrick na nakayuko habang hinihimas ang likod nh leeg nya. No'ng napaangat ang ulo nya at napatingin siya sakin kaya agad nalang akong umiwas at tumingin kay Drake.


"Huh? Uhm... Oo, nagkakabati na nga kami." sabi ko. Pakshit, Mitch! Nautal ka. Napapikit nalang ako saglit. Nakakahiya.


"Hoy! Okay ka Lang!" Konot noo na tanong ni James sakin pero nanatiling tahimik lang si Patrick. Halata sa kilos at galaw nya na nahiya sya, parang bakla, eh.


"Oo nga pala, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sakanila. Bigla silang natahimik dahil sa tanong ko. Dahan-dahan naman nilang nilingon si Patrick na nakayuko.
Ano bang problema nya? Kanina pa 'to. Yuko lang nang yuko. Ewan ko!


Napalingon nalang sakin sina Drake at James habang si Patrick ay nakayuko parin.


"Ano kasi... Mitch. Uhm... Itong kaibigan namin, mag-harana say–hmp!" Hindi natuloy ang sasabihin ni James nang agad tinakpan ni Patrick ang bibig niya ng palad nito.


Napakonot noo nalang ako. Harana? Sinong haharanahin nila? Syempre babae.
Sino kaya? So, may iba palang gusto si Patrick. Akala ko pa naman magustohan nya ako, hindi pala.


"Uh... Ang ibig sabihin ng sinabi ni James ay–" Hindi na tuloy ang sasabihin ni Patrick nang pinutol ko kaagad.


"Harana. Sinong haranahin mo?" Tanong ko at peke nalang akong ngumiti, para hindi ako mahalataan.


"Uh... Si ano... Si–" Napanganga nalang ako dahil sa mga salita nya. Ano ba 'yan. Parang natatakot yata sya na masasabi nya sakin ang haharanahin nya. Torpe.


"Uh... Okay lang kung hindi mo sabihin. Tsaka sana masagot ka niya." Sabi ko. Napabitaw nalang sya sa pagkakatakip ng bibig ni James at humarap sakin.


"Sana nga," sabi ni Patrick at tumingin sakin. Napayuko nalang ako.


Haay. Umaasa pa naman ako. Sakit naman pala kapag yung mahal mo ay mahal palang iba. Ginawa mo nga ang lahat pero walang silbi. Kung sino man sya, sana magtagal sila. Bahala na nga. Marami pa namang lalaki dyan, eh, na mas higit pa kay Patrick.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Shit! Ano bang nangyari sakin?


"Teka! Ba't ka umiyak?" Kunot noo na tanong ni James sakin. Agad kong pinunasan 'yun.


"Napuwing lang. Segi, alis na 'ko. Bye!" Payuko kong sabi. Dali-dali nalang akong umalis at tumakbo paalis sa paaralang ito.


Ano bang nangyari sakin? Bakit ba ako umiiyak? Bwesit namang luha ito, oh! Wrong timing!


Patrick POV


Nabigla ako nang agad nalang tumakbo si Mitch. Ewan ko nga kung bakit umiyak yun, eh.


"Oh, anong nangyari do'n? Takang tanong ni Drake na ikinalingon ko.


"Ewan ko! May nasabi na akong mali?" Konot noo kong tanong sa kanila. Baka meron nga. Hays! Napaiyak ko tuloy.


"Hays! Ewan ko sayo, Pat. Lalong lumala yata 'yang pagka-torpe mo." patawang sabi ni James. Biglang kumulo yung dugo ko dahil sa sinabi ni James. Kung hindi ko lang ito kaibigan, malamang kanina ko na ito sinuntok.


Mag-intay ka lang Mitch. Haharanahin kita kahit anong mangyari.


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon