Chapter 32

434 17 0
                                    

Mitch POV


Agad nalang akong lumabas ng silid ni Mr. Luke at sumalubong sakin si Bakse, pero bago yun magsalita sana si Patrick kaso biglang nagsalita si Bakse, ayan tuloy hindi na tuloy ang sasabihin ni Patrick. Ito kasing si Bakse, eh. Kainis pasulpot-sulpot nalang kung saan.


Ngayon naglalakad kaming dalawa ni Bakse papuntang gym kaso bilga kaming napahinto nang may sumalubung samin.


"Mitch, hanga talaga kami sayo. Alam mo, supporters mo 'ko. Sayo talaga ako boboto." Sabi ng babaeng sumalubong samin. Tatlo sila at halos naka-pula. Napangiti naman ako.


"Oo nga. Saka, andaming tao sa gym. Ikaw 'yung binoto, halos lahat ng estudyante nandoon." Sabi ng pangalawang babae.


Isang maliit na lapel ang sakin na kulay pula at yun ang nagsisilbing papel kung talagang bomoto sakin na nakalagay doon ang full name ko at kay Nicole naman ay kulay pula din . Ewan ko kung bakit pula din sa kanya.


"Teka! Ang sabi, bukas ang voting lines, eh, bakit ngayon naganap?" Takang tanong ni Bakse. Napakonot noo naman ako.


Oo nga, 'no? Pero ang sabi ni Mr. Luke bukas ang voting.


"Nagbago ang isip ni Mr. Luke, in-announce niya kanina sa stage. Ang sabi niya, ngayon na lang daw mag-start ang voting kasi marami ng estudyante ang nag-vote kahit hindi pa nagsimula. Buti nga, eh, may nakuha kaming voting papers." Paliwanag sa pangatlong babae.


"Saka, Mitch, si Drake at James ang nag-monitor sa voting papers mo." Sabi nong pangalawang babae na ikinagulat ko.
Paano naman magagawa nila yun, eh, team Patrick sila, eh.


"Segi. Baks, tara gym tayo." Sabi ko agad namang tumango si Bakse kaya agad kaming tumakbo, sumunod naman yung tatlong babae.


Pero nasan na si Red? Bakit parang hindi ko na sya nakikita. Saan kaya sya ngayon? Ayus lang kaya sya? Sana makita ko sya kahit saglit.


Hingal na hingal kaming tumakbo hanggang sa nakarating kami sa gym at agad kaming pumasok sa loob. Laking gulat kk na maraming estdyante na nagsiksikan dito sa loob. Malaki kasi ang gym. Ngayon halos hindi ako makahinga dahil sa daming tao.


"Mitch!" Sigaw ng mga tao at sabay-sabay silang nagsisilapitan sakin at nagsiksikan pa kaya napaatras ako ng kunti.


Grabe ngayon ko lang na-realize na marami palang mag-vote sakin. Hindi ko kasi naranasan ang ganitong bagay, pero ngayon parang feeling ko Queen Bee na 'ko. Palagi din akong inaapi, pero ngayon parang si Nicole na ang talo.


"Notice me girl! Fan mo 'ko!"


"Mitch, para samin panalo ka na kahit wala pang final!"


"Oo nga! Sa ganda mong 'yan! Tsk! Talo na si Nicole!"


"Kaya Mitch, kung manalo ka, paalisin mo agad ang salot sa paaralang 'to!"


Halos hindi ko maintindihan ang mga sinabi nila. Ang ingay kasi parang palengke. Ngiti lang ako nang ngiti dito, eh, wala naman akong maintindihan sa sinasabi nila. Hindi ako makahinga. Shit!


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now