Chapter 4

730 26 3
                                    


Patrick POV


Agad-agad kong dinala si Mat sa clinic. Hayop kasi 'yung Ashton na 'yun, eh. Kainis!


"Kamusta na po siya?" Tanong ko kay doc Mizzy. lsa syang doctor clinic dito sa campus. Pinaka magaling na doctor. Ako ay nakatayo at kaharap ko si Mat at nasa gilid naman sakin si doc Mizzy..


"Okay naman ang pulso at heartbeat niya, pero sana hindi na ito maulit." Malumanay niyang sagot. Napatingin ako kay Mitch na ngayon payapang natutulog pero kitang-kita ang pagmumula ng leeg niya. She really don't deserve this.


"Pa'no po kapag maulit?"


"Posibleng makakasama niya ito, kitang-kita sa pamamaga ang leeg niya dahil sa mahigpit na pagkahawak nito." Napatingin naman ako sa leeg niya na namumula. Bigla namang kumuyom ang kamao ko nang maalala ang nangyari kanina. Kawawa naman.


"May kukunin lang ako sa office na gamot niya, ikaw muna ang mag-babantay sakanyan, okay?" Pangiti nyang sabi tumango nalang ako na nakangiti tsaka siya umalis at lumabas.


Napatingin ako ulit kay Mat. Umupo naman ako sa upoan na nasa harap ng hinihigaan niya at pinagmasdan siya. Naka reading glasses parin sya habang mahimbing na natutulog. Sobrang putla niya kanina kaya nakahinga ako ng maluwag nang hindi na masyado ngaon. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan siya. Maganda naman siya, matangos ang ilong, may kunting singkit ang mata nya. Medyo kulot din ang buhok at makapal ang kilay.


Napansin ko naman na may kakaibang buhok ang nasa ulo nya, straight siya kaya dahan-dahan kong nilapitan 'yun. Hinawakan ang kulot na buhok nya pero natanggal, eh, teka? Wig ba 'to?


"Patrick,"


Napatingin naman ako pinto nang may tumawag sa pangalan ko, si Doc. Mizzy lang pala. Kaya umayos ako sa kakaupo nang lumapit ito sakin.


"Ito, ibigay mo 'to pag-gising niya. May importante pa kasi akong gagawin, eh. At kapag may emergency, puntahan mo lang ako sa office," Tinanggap ko naman yung gamot tsaka tumango at umalis naman siya ulit.


Hayss. Bigla namang bumalik sa isip ko ang nakita ko sa buhok niya kanina. Tsk! Guni-guni ko lang yata 'yun. Palibhasa kung ano ano lang ang iniisip ko. Dagdag stress ehh.


1 hour later


Mitch POV


Nagising ako nang naramdaman kong may matigas na nakapatong sa kamay ko. Kaya minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Patrick na natutulog habang ang ulo nya ay nakapatong sa kamay ko. Dahan-dahan naman akong bumangon nang may kumirot sa leeg ko.


"Aray ko," Daing ko kaya napahawak naman ako sa leeg ko at ginising siya.


"Patrick, Patrick, gising. Hoy, gising!" Inis kong pukaw sakanya habang habang tinapik-tapik ang kamay niya. Gumalaw naman sya at napatingin sakin, tsaka umayos naman siya sa kinaupoan niya.


"Gising ka na pala, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong niya sakin habang ang leeg ko. Tumango naman ako nang hindi man lang siyang tiningnan. Napag-isipan kong tingnan ang bintana ngunit bigla itong sumakit.


"Ah! Aray ko! Ang sakit! Ahh!" Namimilipit naman ako sa sakit habang hinimas-himas ang leeg. Bigla namang nataranta si Patrick kaya agad siyang tumayo at lumapit sakin.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now