Chapter 11

593 23 1
                                    


Patrick POV


Inis akong lumabas ng library dahil sa nakita ko sa loob, ayuko nang pumasok do'n masusuka lang ako.



Siguro naman nagbait-baitan lang 'yung gago! Para mapalapit siya kay Mat. Kainis, nadala naman siguro si Mat sa kabaitan niya. Palibhasa kasi mabait.


"Hoy! Patrick!" Psigaw ni Nicole sakin habang tumakbong lumapit. Napalingon naman ako sakanya.


"Ano bang problema mo? Alam mo namang may project tayo, 'di ba?" Inis niyang saad sakin. Hindi ako sumagot at nanahimik nalang ako.



"Alam ko na! Nagalit ka ba dahil magka-partner sila Red at Mitch?" Tanong niya. Napatingin nalang ako sakanya. "Tsk! Ganyan naman talaga ang malandi, eh!" Sabi niya at nag-cross arm.


Ewan ko! Bakit ba ako nagalit? Oo, may gusto ako sakanya at nagseselos ako! Pero bakit nga ba? Wala naman dapat pagselosan kasi wala namang kami.


"Mauna ka na sa library, may pupuntahan pa 'ko." kalmado kong sabi at tumalikod upang umalis.


"Teka! Saan ka pupunta?!" sigaw niya ulit, pero hindi ko na siya nilingon.


Pupunta lang naman ako ng city plaza. Magpapahangin lang. Pampawala sa galit, kainis kasi, eh. Bago palang sila nagkakilala, close agad. Mas makilala pa ni Red ng husto si Mat, diyan na malalaman na mabait talaga si Mat.



Sa totoo lang mabait naman talaga 'yan si Red, eh. Nadala lang siya sa kasamaan ni Ace kaya nagaya si Red sa kasamaan niya.


Nicole POV


Nakatayo parin ako dito at iniisip ko na ano ang mgandang pasabog na ipakita ko kay Mitch. Eww! Ang landi niya talaga palapit-lapit pa kay Red. Yuck!!


Ngayon, papunta na 'ko ng library. Alam ko na ang magandang pasabog. Fight! Here we go again.


Ilang hakbang nalang at nasa library na 'ko. Pagpasok ko, agad kong hinanap sa mata ko na kung saan naka-table sina Mitch. Hanggang sa nakita ko sila sa kabilang table fucos na fucos silang dalawa. Agad akong lumapit..


Mitch POV


Nagsusulat na kami ngayon ni Red. Walang nagsasalita samin, eh. Subrang tahimik. Tanging nakatitig lang kami sa libro.


"Excuse me nga!" taray na sabi ni Nicole at tinulak ako paalis sa kinauupoan ko. Agad naman akong nadapa sa sahig at nag-tawanan ang mga estudyante.


"Haha! Ang lampa kasi, eh!" Sabi nang babae sa kabilang table. Hayop! Nanahimik lang ako dito. Kainis.


Dahan-dahan naman akong tumayo at tiningnan ng masama si Nicole .


"Oh! Sorry, hindi ko alam na nandyan ka pala." pangit niyang sabi. Habang ako ay nakatingin parin nang masama sakanya.


"Ano bang problema mo?! Nanahimik lang ako dito, ah?!" Galit kong sigaw at nagsitinginan naman samin ang lahat ng estudyante.


Dahan-dahan naman siyang tumayo at nag-cross arm habang nakangiti at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.


"Tsk! You are so cheap! Alam mo, ikaw, ang landi-landi mo! Palapit-lapit ka pa kay Red para lumandi?" taray niyang sabi. Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. Hindi naman ako lumandi kay Red, ah? Siya lang naman ang partner ko.


"Ano?!"


"Oh~ yes! Tama ako, 'di ba? Pinilit ka ni Ma'am Daffy at naka-partner mo si Red para lumandi! May pa tawa-tawa pa kayo kanina, may pa ngiti-ngiti ka pang nalalaman, ha?! Nang dahil sayo, nagalit si Patrick!" Sumbat niya sakin.


Taka! Ano ba 'yang pinagsasabi niya. Hindi ko maintindihan!


"Pwede ba! 'Wag ka ngang gaga! Pinag-partner kami ni Red para gawin ang project hindi para lumandi! Isa pa, porket ba nagtawanan kami at may pa-ngiti-ngiti pa ako, landi na ang tawag do'n?! Tsk! What the fuck! Hindi ba pweding nagkasayahan lang kami? Hindi ako katulad mo! At wala akong paki-alam kung nagalit sakin si Patrick! Ano ba ang dahilan para magalit siya? Na naging partner ko si Red? Gaga! Partner ko lang siya, partner sa project! Eh, ikaw yata ang lumandi, hindi ako!" taray kung sabi.


Gago ka Patrick!! May pa galit-galit kapang nalalaman. Kaya pala ang suplado mo! Alamin mo muna kasi bago ka magalit! Tarantado!


"Hayop ka!" Sigaw ni Nicole at aakmang sasampalin sana ako nang biglang tumayo si Red at sinalo ang kamay ni Nicole.


"Nicole, 'Wag mo na kaming pakialaman! Gawin mo na ang trabaho mo." kalmadong sabi ni Red at binitawan ang kamay ni Nicole.


"Wala kang paki-alam! Gago!" taray niyang sabi at tumingin sakin ng masama. Nabigla naman ako nang agad niya sinabunutan ang buhok ko kaya sinubutan ko din ang buhok niya. Hindi ako nagpapatalo, 'no!


Napansin ko naman na nagsilapitan samin ang barkada ni Nicole lalo na 'yung limang gangster para pigilan kami, pero patuloy parin kaming nagsabunutan.


"Hayop ka! Napaka-paki-alamira mo!" Sigaw kong sabi habang sinapak siya at sinabunutan ang buhok niya.. Hanggang sa napahiga siya sa sahig at ako ay nakaupo sa tiyan na habang sinubutan ko sya. Nakaharang naman ang kamay niya sa mukha niya.


Hanggang sa may humila sakin papalayo kay Nicole at si Bakse lang pala. Agad din pinatayo si Nicole sa kaibigan niya habang umiiyak buti nalang at hindi natanggal ang weg ko.


"Tsk! Ikaw 'tong sumulong, may gana ka pang umiyak?!" taray kong sabi habang hawak ni Bakse ang braso ko.


"Wala hiya kang babae ka!" Sigaw ni Zera..


"Oh, bakit? Angal ka? Halika dito, hindi kita uurungan!" taray kong sabi at aakmang sabunutan sana si Zera nang pinigilan ako ni Bakse.


"Mitch, tama na 'yan! Wala ka namang mapapala diyan, eh!" Sabi niya.. habang ako ay masamang nakatingin sakanlang lahat.


"'Yan! Matagal ko na sana ng gawin 'yan sayo! Kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko! Ngayon, punong-puno na 'ko sayo! Kung sa totoo lang, kulang pa 'yan sa lahat ng ginagawa mo sakin!" taray kong sabi at umalis at iniwan silang lahat do'n. May pa iyak-iyak pang gaga, hindi naman maganda.


Sumunod naman sakin si Bakse at paglabas namin ay do'n ko na binuhos ang luha ko at tumakbo habang umiiyak. Rinig ko naman na sinigaw ni Bakse ang pangalan ko kaso patuloy parin akong tumakbo at pmunta sa locker room.


At doon ko na inilabas ang luha ko, yumuko naman ako at umupo habang nakasandal sa locker room.


Wala na ba talaga akong pag-asang sumaya? Hindi ba pweding hayaan nalang nila ako sa pag aaral? Bakit ba palagi nalang akong ganito? Porket ba nerd? Tsk! Ayuko nang ganito. Simula ngayon lalaban na 'ko. Lumaban na 'ko kahit wala si Patrick.


At simula din ngayon, ayuko nang lumapit kay Patrick. Never na akong lumapit sakanya.


©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now